Bahagyang hinihipan ni Red ang sopas na niluto nya para may makain si Blue at magkalaman ang tyan nito para makainom sya ng gamot.
"Anong klaseng ihip ba naman yan, para namang pagong kung umihip eh, apakahina," reklamo ni Blue habang mahinang hinihipan ni Red ang kutsyarang may lamang sopas.
"Dapat naman talaga mahina lang, pag hinipan ko to ng parang kandila edi tumalsik na to kung saan saan," pasupladang sagot ni Red sa ate nya. "Ano gusto mo bugahan ko," dagdag pa ni Red at imbes na hipan ay binugabugahan ang kutsyarang hawak nya.
"Hoy! Kadiri ka!" Nandidiring daing ni Blue nang makita nya ang ginawang pag buga ni Red ng hangin sa pagkain.
"Anong kadiri dyan hindi ko naman dinuraan ya. Ngumanga ka na," sagot ni Red at iniharap sa ate nya ang kutsyara para subuan ito.
"Ayoko nga! Mainit eh," reklamo ulit ni Blue kaya napairap at buntong hininga nanaman si Red.
"Malamang sopas to eh, pag lumamig to edi macaroni salad na," sakrastikong sagot ni Red kaya napakamot nalang ng ulo si Blue at walang nagawa kundi ngumanga. "Oh isa pa," dagdag pa ni Red at sumandok ulit sa mangkok.
"Ayoko na, mainit," reklamo ni Blue.
"Nganganga ka o hahalikan kita," pagbabanta ni Red pero ngumisi lang si Blue at ngumuso. "Kiss me," sagot ng dalaga.
"Sige teka lang ha," sagot naman ni Red at ibinaba ang mangkok na hawak hawak nya sa maliit na mesa ng katabi nya saka umayos ng upo at pinalobo nya ang laway at lumapit kay Blue para halikan sya kaya napalayo naman si Blue sakanya.
"Ewww! Kadiri ka, Tala!" Sigaw ni Blue at tinutulak palayo si Red. "Why, sabi mo kiss kita diba," sagot ni Red na natatawa at pilit na lumalapit kay Blue.
"Lumayo ka nga kadiri ka," reklamo ulit ni Blue pero patuloy parin sa paglapit si Red habang natatawa.
Sa loob ng ilang minuto ay tumigil na sa panunukso si Red at pinunasan nya ang bibig. "Oh ano kakain ka o hahalikan kita," tanong ulit sakanya ni Red kaya inagaw ni Blue ang mangkok sakanya at nagkusang kumain.
"Kakain ka din naman pala dami mo pang arte, akin na yan, susubuan kita," wika ni Red kinuha ang mangkok sa kamay ni Blue at sinubuan kahit na naka simangot sya.
"Ano ba, kumakain ka tapos nakasimangot umayos ka nga ang pangit tingnan," wika ni Red at mas lalo syang sinungitan ni Blue kaya natawa at napailing nalang sya. Hinalikan nya si Blue sa noo na syang ikinangiti naman ni Blue at umayos ng upo.
"Ayan na, kumain ka na, dami mong alam," reklamo ni Red at patuloy paring sinusubuan ang kapatid habang si Blue naman at masayang ngumanganga at ngumunguya habang sinusubuan sya ng kapatid.
"Ikaw, lagot ka kay Nanay, galit sayo si Nanay," panunukso ni Blue sa kapatid nya nang may kung ano nanamang kalokohan ang pumasok sa kokote nya.
"Nakakainis kasi yung kapatid nya," sagot ni Red. Dadagdagan pa sana ni Blue ang panunukso ng marealize nya ang sinabi ni Red sakanya.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...