21

25 1 0
                                    

"Naglalakad si Daniel sa isang magandang hardin ng mga bulaklak, ang mga paboritong bulaklak ng kanyang namayapang asawa, ang orlaya at orchids

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Naglalakad si Daniel sa isang magandang hardin ng mga bulaklak, ang mga paboritong bulaklak ng kanyang namayapang asawa, ang orlaya at orchids. Tahimik at payapa ang paligid, nang biglang may makita si Daniel na isang babae na papalapit sa kanya.

"Hannah? Hon?" Tumayo ang balahibo ni Daniel sa hindi makapaniwala. Lumapit sa kanya ang babaeng nakaputi at hinaplos siya sa mukha bago ngumiti sa kanya.

"Mahal ko..." Sagot ng babae sa kanya kaya hindi napigilan ni Daniel ang pag-iyak.

"Hannah," tawag ni Daniel sa kanyang namayapang asawa habang lumalapit para yakapin ito. "Honey, hindi ko na kaya, isama mo na ako," pagsusumamo ni Daniel.

"Hindi pwede. Hindi pa ang tamang panahon para sa iyo, mahal ko. Kailangan ka ng mga anak natin, lalo na si Karl. Kailangan ka nila, kailangan nila ang kanilang ama," habilin ni Hannah kaya napatingin si Daniel.

"Mahal ko, hindi mo sila mailalayo sa panganib kung patuloy mong iiwasan sila. Daniel, mas mapapahamak sila kung wala ka sa tabi nila. Marami kang kalaban sa negosyo, at pwedeng galawin ang mga anak natin hangga't alam ng mga kalaban na walang nagpoprotekta sa kanila," paliwanag ni Hannah sa kanyang asawa habang pinupunasan ang luha nito.

"Hindi ko kaya, hon. Ayoko silang mawala sa akin, nawala ka dahil sa akin at hindi kita nasagip—" wika ni Daniel na pinutol ni Hannah.

"Shh... Eto ang tatandaan mo, hindi ako nawala sa iyo, mahal ko," sagot ni Hannah habang tinitigan ang malulungkot na mata ni Daniel at hinawakan ang dibdib nito. "Nandito lang ako palagi, lagi mong tatandaan iyan. Babantayan kita, mahal na mahal kita at balang araw magkikita tayo muli, naghihintay ako," huling sinabi ni Hannah bago siya nawala.

Niyakap ni Daniel ang kanyang asawa nang mahigpit at unti-unti itong nawala. Bigla siyang nagising mula sa panaginip at napagtanto na nasa opisina na siya. Tumingin siya sa litrato ni Hannah na nasa mesa.

"Taon na ang lumipas mula nang iwan mo kami," sabi ni Daniel sa litrato habang tumutulo ang luha. Hinaplos niya ang litrato ng asawa at pinunasan ang luha.

"Mahal ko, patawarin mo ako. Hindi ko kinaya, sinubukan kong kalimutan ang lahat pero kapag nakikita ko sila, bumabalik ang lahat, lahat ng sakit; pero susubukan ko, at gagawin ko ito alang-alang sa iyo at sa pamilya natin," wika ni Daniel habang hinalikan ang litrato bago ito ibinalik at inayos ang mesa bago umuwi."

-----------------------------------

"Uy, ang dami na nito. Mag-gagabi na rin," sabi ni Jane habang napapansin ang oras.

Sa tulong nina Red at Karl, marami nang nagawa si Jane na invitation cards para sa debut niya, kaya lubos siyang natutuwa.

"Salamat po ate sa pagtulong," pasasalamat ni Jane dahil natupad ang pangarap niyang magkaroon ng magagandang invitations. Kahit sa maliit na bagay, lubos siyang nagpapasalamat.

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon