"OMG! Mga kapit–" naputol ang sasabihin ng babae nang takpan ni Scale ang bibig nya.
"Wag kang magtawag naiintindihan mo ba?" wika ni Scale at napatango naman ang dalaga.
"Huy! Scale, ano ba wag mo ngang takutin ang bata," suway ni Red kay Scale nang makita nyang tinakpan nito ang bibig ng babaeng hihiyaw na sana sa mga kapitbahay nya.
"Hindi ko naman sya tinatakot sinasabihan ko lang baka magkagulo dito," pangangatwiran ni Scale saka napakamot sya ng batok.
"Pumarito ka nga," utos ni Red kaya walang nagawa si Scale at bumalik sya sa kinauupuan nya sa tabi ni Red, tahimik namang tumili ang dalaga saka tumabi kay Red.
"Hailey, huy! Ano ba nakakahiya," suway ni Micheal sa kapatid nya at pilit na hinihila palayo.
"Kuya, once in a blue moon lang to," pangangatwiran naman ni Hailey.
"Kuya? So magkapatid kayo?" Nagtatakang tanong ni Red.
"Yes po, but not by blood, magkapatid kami by heart," pilyang sagot ni Hailey kaya napailing nalang si Micheal.
"Pareho po kaming ampon ni tatay Isyddro," paliwanag ni Micheal kaya napatango naman si Red.
"Si kuya kinuha sya ni tatay sa may kabilang kanto malapit sa simbahan kasi sya lang mag-isa sa may waiting shed natutulog, tapos ako naman po nakita ni tatay sa may simbahan noon," dagdag ni Hailey sa mga paliwanag ni Micheal.
"Pasensya na po ha, masyadong madaldal talaga tong bunso namin," sabi naman ni Isyddro na kakabalik lang at may dalang isang crystal na pitcher at tatlong baso.
"Kamukha nya po si Tia Issmarhel," wika ni Red kaya natigilan naman si Isyddro na magsasalin sana ng juice sa baso ni Red, pero dahil sa sinabi ng dalaga ay natigilan sya.
"Sino po yun?" Tanong ni Hailey kay Red at magsasalita na sana si Red nang biglang baguhin ni Isyddro ang usapan.
"Gusto nyo ba ng biscuit? Hailey, bili ka nga dun sa kanto," utos naman ni Isyddro sa bunso nya at binigyan ng pera. Nang aalis na sana si Hailey ay biglang nagsalita si Red.
"Ayos lang po, no need na. Gusto ko lang pong makausap ka, privately," kundisyon ni Red kaya nagkatinginan naman ang iba nilang kasama at lumabas ng bahay.
"Tara street foods tayo," pang-aalok ni Micheal para hindi sila mabagot sa labas ng bahay.
"Libre mo, kuya ha, Scale, tara maraming masasarap dun magugustuhan mo," nakangiting inakbayan ni Hailey si Scale at madahang hinila, napailing naman ang dalawang lalaki sa likuran nila at sumunod.
...
"Hinanap po kita para kay nanay," diretsyong wika ni Red.
"Pasensya na pero, we're not on good terms," sagot ni Isyddro sakanya.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...