"Ms. Red? Kakain na po," katok ni Venus sa kwartong tinutulugan ni Red. Napakamot ng ulo si Venus nang hindi sumagot si Red, kaya napagpasyahan niyang buksan ang pinto.
"Tulog ka po ba?" tanong ni Venus.
Nilapitan niya ang kama at nang tanggalin ang kumot, napansin niya na tanging mga unan lang ang natatakpan nito. Agad siyang nataranta at hinanap si Red.
Nais sana niyang tawagan si Sophia para balitaan sila, ngunit biglang narinig niya ang tunog ng piano mula sa isang kwarto kaya sinilip niya ito.
...
Nakaupo si Red sa harap ng piano at tumutugtog.
"I used to float,
now I just fall down.
I used to know
but I'm not sure now.
What I was made for,
what was I made for?
Takin' a drive, I was an ideal.
Looked so alive, turns out I'm not real.
Just something you paid for,"Red sang softly as her fingers danced on the piano keys.
...
"Where is my apo? My tagapagmana?" Wika ng isang matandang babae na kakarating lang at bago sa paningin ng kambal.
Ipinakilala sila ng tatay nila sa sinabing matanda na kalaunan ay nagpakilalang sya ang lola ng kambal.
"Oh..." Reaksyon ng matanda nang malaman nyang kambal ang apo nya. "Dalawa... Twins..." Dagdag pa nito.
Hindi makapaniwala ang matanda na kambal ang apo nya, dahil narin sa ayaw nya sa kambal dahil sa paniniwalang malas ito at makakaapekto sa buhay nila.
Sinabihan naman sya ng tatay ng mga bata na anak nya rin na bigyan ng chance ang mga anak nya kaya napalingon sya sa kambal, nakangiti sakanya si Blue, habang nagtatago naman sa likod ng tatay nya si Red, natatakot at nahihiya.
...
"What was I made for?
'Cause I, I,
I don't know how to feel.
But I wanna try,"Red continued to play the piano, lost in her thoughts and emotions.
...
"Hon... Pasyal naman tayo, lagi nalang tayong nandito sa bahay," Red suggested, looking for a change of scenery.
"Not now, madami pa akong ginagawa," Yezh replied, focused on his work.
"Sige, ano nalang... Ipagluluto nalang kita sa bahay, ano gusto mo?" Red offered, trying to connect with Yezh.
"Hindi ako makakauwi ngayon sa bahay, madami akong tatapusin," Yezh explained, absorbed in his tasks.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...