Nasa loob na ng kotse si Red habang hindi mawala sa isipan nya ang mga salitang binitiwan ni Karl kani-kanina lang.
"You know there is a song that goes... O pare ko o pare ko, ang kwento ko'y pakinggan mo, baka sakali ako ay 'yong matulungan sa problema ko. Sino sa tatlo ang iso-syota ko, parang awa mo na pare si Gio o si Yezh o si Karl," pagkanta ni Desa kaya natawa naman ang dalawang bibe.
"Alam mo konti nalang talaga mapupuno na ako sayo. Gagawan kita ng story tapos ipapadala ko kay Severo na ma kabit ka dito sa Italy," pagbabanta ni Red.
"Kung maniniwala sya sayo," wika ni Desa at mataas ang kumpyansa sa sarili.
"Napapaniwala ko nga dati eh, ngayon pa kaya?" wika ni Red kaya inirapan naman sya ni Desa.
"Kayong dalawa kaninang umaga pa kayo nagbabangayan di na natapos tapos," reklamo ni Scale kaya umalma naman si Desa.
"Bitter yang mother duck," supladang sagot ni Desa habang nasa passenger seat kaya sinipa ni Red ang inuupuan nya dahil nasa likuran nya lang ito.
"Mali naman kasi kanta mo eh dapat ganito... Sino sa tatlo ang iso-syota ko Parang awa mo na pare si Venus o si Gio o si Karl," sabat naman ni Scale kaya tinitigan sya ng matalim ni Red.
"Alam mo di ko alam kung saan ako maiinis, sa kanta ba o sa pagkanta mo. Tumahimik na ngalang kayo, madami akong iniisip," inis na saad ni Red.
Napairap naman si Scale at umayos ng upo. Hindi na pinansin ni Red ang ingay sa paligid nya dahil sa bumabagabag sa isipan nya.
"Minsan iniisip ko din na sana ako nalang, pero, I can't be selfish I know may mahal ka ring iba pero delulu padin ang beshy mo. I like you I love you."
Mga katagang binitiwan ni Karl na isa sa mga pabalik-balik sa isipan nya.
"Turn around. Turn the car around Sorpia," biglang sabi ni Red.
Naguguluhan man pero sinunod nya padin ang amo at inikot ang kotse para bumalik sa Casa.
"Bakit may naiwan ka?" tanong ni Scale at tumango naman si Red.
"May nakalimutan ako," simpleng sagot ni Red.
Pabalik ng CZ hindi maiwasang kabahan ni Red dahil baka hindi na nya ang taong babalikan nya. Nang maaninag nya ang isang sasakay bigla syang bumaba sa umaandar na sasakyan hindi na nya hinintay na huminto ito ng tuluyan kaya aligaga naman ang tatlong bibe.
"Hoy bangus!" sigaw nya kaya napalingon naman ang lahat sakanya.
Nagtaka naman si Karl nang makita ang nakasimangot na muka ng dalaga, habang palapit ito sakanya iniisip na nya kung ano nanaman ang nagawa nyang mali para magmukang angry birds ulit si Red.
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...