Buong kumpyansang rumampa si Hailey sa stage nang tawagin ang pangalan nya, todo naman ang cheer ni Isyddro at Micheal sakanya. Huminto si Hailey sa harap ng mikropono at huminga ng malalim bago magsalita.
"Good morning–" masiglang bati ni Hailey pero napatigil sya nang marealize nyang hapon na pala, napatingin sya kay Red na napasindal nalang at umiiling-iling, tiningnan nya ito na para bang humihingi ng tulong. Napalingon naman sya kay Micheal at Isyddro na sumasayaw ng YMCA kaya may naalala sya.
...
Bagong gising si Hailey nang makita nya ang kuya at tatay nyang naghahanda ng agahan sa kusina na sala at kainan narin nila.
"Hello my father, hello my brother!" Masiglang bati ni Hailey kaya napalingon ang dalawang lalaki sakanya saka nagsimula syang sumayaw ng YMCA.
"Good Morning, Good Noon, Good Afternoon, Good Night!" Masiglang at hinigingal na bati ni Hailey habang nagsasayaw sya ng YMCA na ikinatawa ni Micheal at Isyddro saka sya sinabayan sa pag sayaw.
...
"Good Noon, Good Afternoon, Good Night! Mabuhay! Bati mula sa isang dyosa, ako po si Hailey Agustin, 17 years old, representing Grade 12 Humanities and Social Sciences 2. Naniniwala ako sa kasabihang, 'kapag umuulan habang umaaraw may kinakasal na tikbalang!' And I... Thank you!" Masiglang pagpapakilala ni Hailey at rumampa pabalik pero bigla nalang syang natumba nang pasimple syang banggain ng isang contestant kaya nagulat ang karamihan.
Napaangat ang tingin ni Hailey sa babaeng bumangga sakanya at nakita nyang nakangisi ito habang nagpapanggap na tutulungan sya. Hindi tinanggap ni Hailey ang inilahad na kamay ng babae at tumayo sya ng kusa, inayos nya ang gown at sarili bago humarap sa madlang nagulat sa pagkatumba nya.
"Alive and kicking!" Pilyang sabi ni Hailey kaya napa-cheer ulit ang mga tao at pumapalakpak habang rumampa sya pabalik sa pwesto nya at pinanood ang mga susunod pang contestants kasama ang mga nauna sakanya.
"Good afternoon, everyone. My name is Sheiva Villane, an 18-year-old stunner, and I am here to represent Grade 12 Humanities and Social Sciences 1. I believe in the saying that goes, 'In a world where you can be anything, be kind.' Kindness is a universal language that transcends barriers and brings people together. As we navigate through the complexities of life, let us always choose kindness as our guiding principle. Thank you." Pagpapakilala ng babaeng bumangga kay Hailey sa madla. Habang nanonood naman ay hindi maiwasan ni Hailey na mag-react ng palihim.
"Sus, ang daming sinabi pwede naman yung motto na time is gold pasok na yun," bulong ni Hailey sa sarili nya habang pinapanood rumampa si Sheiva.
...
BINABASA MO ANG
Woman
Mystery / ThrillerWoman. Ito ang kwento ng paghihiganti ng inagrabyado lalo na ang kababaihan. Kwento ng pag ibig; kwento ng isang babaeng sisisirin ang nagbabagang magma para maipagtanggol o mailigtas ang minamahal. Hindi nya lamang kwento ito; kwento ito ng bawat t...