39

11 1 0
                                    

"Hello! Nandito na ulit kami nagbabalik, Ate Red, superhero mo nakabalik na," biro ni Jane kaya natawa naman sila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hello! Nandito na ulit kami nagbabalik, Ate Red, superhero mo nakabalik na," biro ni Jane kaya natawa naman sila.

"Loko loko ka talaga," wika ni Karl na nakatago sa likod ng pader.

"Bihis na bihis, gwapong gwapo, presenting! Karl Derioso," pagpapakilala ni Jane.

"Ano pwede na ba akong lumabas?" Tanong ni Karl kau Jane at excited na tumango si Jane kaya bahagyang natawa ang kuya nya at napailing nalang.

"Gwapo naman ng panganay ko," wika ni Daniel kabang inaayos ang damit at buhok ni Karl.

"Gwapo? Pero di naman ako napapansin nung isa," hugot ni Karl at tumingin kay Red na napaiwas din ng tingin para hindi magtagpo ang mga mata nila.

"Hugot hugot, wala kang makukuha sa hugot na yan ligawan mo kasi," bulong ni Daniel.

"Try ko po," sagot ni Karl at may kumpyansa sa sarili.

"Wag mo lang subukan, gawin mo. Take the risk, kahit ma reject ka pa at least wala kang regrets kasi nagawa mo na eh nasubukan mo na... Learn from the expert," nakangiting wika ni Daniel habang tinataas baba ang kilay nya kaya natawa naman si Karl.

-----------------------------------

The event went well, syempre sa tulong nadin ni Red. Meron namang ibang malfunctions na nangyari pero nagawan din naman ng paraan kaya walang nakapansin sa maliliit na problemang yun throughout the event.

"Ladies and gentlemen, let us all welcome the CEO of D'Flora, the son of the former CEO Daniel Derioso, the one and only Karl Derioso!" announcement ng host kaya nagpalakpakan sila.

"KUYA!" Hiyaw ni Jane nang makaakyat ng stage si Karl kaya napuno ng tawanan ang paligid.

"Hello and good afternoon to all, una sa lahat nagpapasalamat ako syempre sa panginoon and sa inyong lahat, sa mga sumuporta at di ako iniwan, sa lahat lahat thank you. Hindi ko maimagine na makakatungtong ulit ako dito pwestong to, di ko naimagine na makabalik ulit ako sa D'Flora Corp. pero with a little help and determination walang imposible, diba," wika ni Karl kaya sumang-ayon naman ang mga nakikinig sa speech nya.

"And meron din akong isang tao na gusto kong pasalamatan. Kahit hindi nya alam, sya yung reason kung bakit nangyari lahat ng ito because I want to be a better man for her. I know a lot of you are confused maybe yung tumatakbo sa isip nyo ay bakla nagkagusto sa babae? Iniisip nyo palang parang nandidiri na kayo pero possible po yun nagawa ko nga eh," nakangiting wika ni Karl.

Nakaramdam si Red ng pagiging hindi komportable dahil parang alam na nya kung sino ang tinutukoy ni Karl, napatayo sya at aalis na sana nang tawagin sya ni Karl na hawak ang mic at nasa taas ng stage.

"Red Camorra! Humarap ka dito, once in a blue moon ko lang to gagawin if ayaw mo talaga lumingon, please wag ka munang umalis, stay there may sasabihin ako. Red, Riri, Pulang araw, crayon, suplada, andami ko na palang naitawag sayo I know iniisip mo ngayon this is a waste of time pero please umupo ka muna ayokong mapagod kakatayo please sit down sige na," dagdag pa ni Karl at napatingin kay Red ang lahat kaya walang syang nagawa kundi umupo nalang ulit at nakinig sa mga sinasabi at sasabihin palang ni Karl.

WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon