01

4.1K 47 1
                                    

•••••





"Really? Did you see her face? Damn, I will go to see her later too." rinig kong sabi ng mga kaklase kong lalaki.


Ang aga aga kasi ay nagtitipon sila sa isang lugar at nagkkwentuhan tungkol sa bagong transferee.


"Yeah, dude. You should see her. I will buy some flowers tomorrow for her, she's so pretty dude." sabi naman ng isa, mga lalaking tao pero chismoso.


"What was her name again? It's Devi, right?" tanong na isa pa. Devi? Ano yan Devil?


"Hoy Cari, anong nginingisi ngisi mo na parang demonyo dyan?" pagtawag ni Mia sakin kaya nilingon ko siya agad.


"Wala." maikling sagot ko, kinuha ko na lang ang cellphone sa bag ko at nagsimulang mag type ng message para kay Liam, boyfriend ko.


"Hi mahal, nasa room kana ba ninyo? Let's eat lunch together okay? I love you <3" nakangiting kong clinick ang send pero lumipas ang ilang minuto ay hindi pa rin ito nag rereply kaya tinago ko na ulit yung cellphone ko sa bag.


"Alam niyo na ba?" Bungad ni Zayren na hinihingal hingal pa.


"Ang alin?" tanong ko sa kaniya.


"Kaklase natin yung bagong transferee." napairap ako sa sinabi niya, jusko naman pati ba naman siya.


"Wala man lang reaksiyon?" disappointed na sabi ni Zayren samin ni Mia.


"Hindi na kami na-shock, saang section ba napupunta ang magaganda? Dito lang din naman." mas lalo akong napairap sa sinabi ni Mia.


"Hindi ka naman siguro tatamaan ng kidlat niyan?" sabi ko sa kaniya na ikinatawa ni Zayren.


"Tama naman ang sinasabi ko, dapat nga magpasalamat kayong dalawa sakin kasi dinadamay ko kayo." bigla itong nagdabog dabog at sumangot, baliw talaga.


"Hiii Girls!!!" sabay sabay kaming tatlo na tumingin sa bandang pintuan nang dumating si Yumi.


"Ang bunganga naman Yumi, babaan mo naman ang volume niyan." pero ang baliw tumawa lang habang papalapit samin.


"Medyo mababa pa nga to ang OA niyo naman!" sabi niya sabay tawa.


"By the way nakita ko na yung bagong transferee and she's sooooo pretty. Lamang lang ng isang ligo sakin." sabi niya sabay flipped pa ng buhok.


"Sino ba yang transferee na yan? Nac-curious na tuloy akong makita yan." sabi ni Mia.


"Well she's Devi Allison Cortez, don't worry makikilala niyo din naman siya later dahil kaklase natin siya!" excited na sabi ni Yumi, ako naman ay tiningnan ulit ang cellphone ko para tingnan kung may reply si Liam pero wala pa rin.


We've been in a relationship for almost one year next month, bago pa lang but I know that he's the one. Paano ko nasabi? Well, Liam is one of the varsity in basketball here in the university and there are hundreds of girls here and he chose to court me for almost 5 months just to get my sweetest yes.


I swear, he's the most sweetest human being I've ever known...


But that was on the first six months of our relationship.


Well, people change yeah? But I know he still cares for me it just that may nagbago but we still have and love each other.


"Heads up here, students!" nakuha ang atensiyon ko dahil sa pag sigaw ni Prof Santos, isa sa mga professor namin.


When We Collided Where stories live. Discover now