04

1K 28 3
                                    

•••••




Matapos ang isang maghapong klase ay sa wakas makakauwi na rin. Bago tumayo ay chineck ko pa ang cellphone ko kung may text si Liam pero wala pa rin.

Tinanong ko kasi siya kung sabay kaming uuwi pero walang reply galing sa kaniya.

"Hoy tara, kain tayo sa labas." kalabit ni Zayren sa'kin.

"Hindi na, may pupuntahan pa kasi ako." sagot ko sa kaniya.

"Mag-aapply ka na naman ba? Hay nako naman Carina sabi ko nang sa shop ka na lang namin magtrabaho." sabi ni Yumi na ikinailing ko.

"Hindi naman pwede yun, porket kaibigan ko kayo bibigyan niyo na lang ako basta basta ng trabaho. Kaya ko naman maghanap." sabi ko na ikinailing din nila.

"Hindi magpapatalo yan, Yumi. Inaya ko ngang magtrabaho yan sa coffee shop ni mommy pero ayaw niya." sabi ni Mia na umirap pa sa'kin.

Nginitian ko na lang silang tatlo. Ayoko namang umasa sa kanila. Halos sila na nga ang bumuhay sa'kin simula 1st year hanggang ngayon na 4th year college na kami.

Mayayaman sila pero hindi sila nakakabili ng papel kasi alam nilang meron ako lagi. Napailing na lang ako sa naisip.

"Tara na sumama ka na sa'min kahit sandali lang." pagpupumilit ni Yumi at sumabit pa sa braso ko.

"Oo nga tara na dali." sabi din ni Zayren at sumabit din sa kabila kong braso.

"Sumama ka na kung ayaw mong baliin ko 'tong leeg mo." nagsitawanan naman silang tatlo ng pinulupot ni Mia ang braso sa leeg ko. Walanghiya talaga.

"Oo na, oo na! Bitawan niyo nga ako para kayong mga linta." sabi ko sa kanila na ikinatawa nila. Sabay sabay naman silang bumitaw sa'kin.

"Libre niyo ha. Wala pa akong pera." sabi ko.

"Kahit ilibre pa kita ng isang taong tuition mo, Carina Eloise." sabi ni Zayren.

"Wala ka namang babayaran sa tuition ko kaso naka full scholarship ako." sabi ko na ikinangiwi nilang tatlo.

"Yabang mo na Vinson ha." sabi ni Yumi.

"Oo nga ipatumba na kaya natin at hati hatiin natin ang brain niya?" dagdag naman ni Mia.

"Akong bahala sa hatian para walang lamangan." sagot din ni Zayren na ikinairap ko.

Mga baliw talaga. Nauna na akong lumabas ng room nang makita ko si Alli na nasa labas pa rin.

"Oy, Devi sa'yo ba yung BMW sa parking lot?" bungad na tanong ni Zayren kay Alli.

"Ah yes, why?" takang tanong ni Alli sa kaniya.

"Ah wala naman balita ko kay bumasag daw ng salamin non e." nasiko ko naman si Zayren dahil alam kung gawa gawa lang naman niya yun.

Akala ko ay magugulat at magpapanick siya dahil sa sinabi ni Zayren pero kami ata ang nagulat dahil sa sinabi niya.

"What? Hayaan mo na, medyo matagal na rin naman sa'kin yun." sagot niya. Apat kaming natigilan sa sinabi niya.

Ganun lang yun? Wala man lang pagpapanic?

"Do you have someone to pick you up, Carina? I'm sorry hindi ata kita maihahatid ngayon but I can book you a cab." sabi niya at sabay na nilabas ang phone niya pero bago pa niya maituloy ang gagawin niya ay pinigilan ko na ang kamay nito.

"No, okay lang kasama ko naman mga kaibigan ko. Tsaka 'wag kang maniwala kay Zayren nagbibiro lang 'to na nabasag yung salamin ng sasakyan mo." sabi ko at awkward na ngumiti sa kaniya.

When We Collided Where stories live. Discover now