03

1.1K 37 2
                                    

•••••



"Carina kanina pa ata yung sundo mo sa labas? Bilisan mo na dyan at pinagkakaguluhan na siya dun sa baba." napatingin ako kay Nica na nakadungaw na sa pintuan ko tumango naman ako at binilisan ang pag aayos ng sarili.

Medyo maganda na ang araw ko ngayon dahil alam kong si Liam ang nag aantay sa'kin sa labas ngayon.

Sino ba naman ako para hindi siya pagbigyan 'di ba?

Nang matapos na akong mag-ayos ay agad akong lumabas sa unit ko at ni-lock yun.

Ngiting ngiti ako habang pababa ng hagdan. Excited akong makita siya dahil kahapon ay hindi ko talaga siya nakita.

Pagkalabas ko pa lang ng gate ay nangunot na agad ang noo ko ng makita ang mga tambay at pati bata sa labas ay pinagkukumpulan ang isang kotse sa labas.

This is not his car. He owned a SUV and this is... the heck? Sinong may ari neto?

"Kuya Arnel bakit pinagkakaguluhan niyo yan?" Kinalabit ko pa ang may ari ng sari sari store sa harapan ng apartment namin at nagtanong.

"Ano ka ba naman cari? Sino ba naman ang hindi mamamangha sa BMW i7 M70?" manghang sabi niya. Kilala kasi si Kuya Arnel dito na mahilig sa sasakyan pero secondhand lang na sasakyan ang meron siya atleast meron 'di ba?

Tumango lang ako sa sinabi ni kuya arnel kahit hindi ko naman alam ang sinasabi niya. Basta BMW daw 'to. Maganda nga 'to.

Napabuntong hininga naman ako dahil hindi naman pala si Liam ang nandito pero bakit sabi ni Nica ay sundo ko? Hays.

Napatingin ako sa relo ko at nakitang malapit ng mag 8 kaya aalis na sana ako ng biglang may tumawag sa'kin.

"Carina!" lumingon ako sa tumawag sa'kin at hindi ko agad nakita dahil sa dami ng tao dito sa labas.

Bigla namang may kumaway kaya napatingin ako sa may ari ng kamay na yun at hindi ko inaakala na siya na naman.

Anong ginagawa nito dito?

Agad akong lumapit sa kaniya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"I'm picking you up baka kasi wala ka na namang sundo at mukhang tama nga ako." sabi niya ng ngiting ngiti na naman.

Bumuntong hininga ako at nilibot ang paningin at napadako ang tingin ko sa sasakyan yan. Sigurado akong hindi ganito ang sasakyan na gamit niya kahapon.

"Sa'yo 'to?" tanong ko sa kaniya tsaka siya tumango sa'kin.

"Looks like your neighbors like my car." napairap naman ako sa sinabi niya.

"Mauna ka na. Hindi ako sasabay sayo." sabi ko at aalis na sana ng pigilan niya ako.

"Malapit ng mag 8. Let's go." sabi niya at hinila ako palapit sa pintuan ng passenger seat.

"Wow, Cari. Ang swerte mo naman at makakasakay ka ng BMW." rinig kong sabi ni Jp na isa sa mga tambay sa labas ng apartment namin bago ako pumasok ng sasakyan ni Alli.

Bigla naman akong namangha pagkapasok ko sa loob. Wow. Just wow. Ang moderno ng design parang nakakatakot humawak ng kung ano sa loob.

"Let's go." sabi niya ng makapasok siya sa loob.

"Sa'yo ba talaga 'to? Iba naman yung sasakyan mo kahapon." sabi ko.

"Of course it's mine. Kahapon ay Porsche yu—" hindi na niya natapos ang sasabihin ng tinaas ko ang kaliwang kamay sa harapan niya kaya siya napatigil.

When We Collided Where stories live. Discover now