11

1K 33 0
                                    

•••••









Dala dala ang isang towel ay lumalabas ako ng kwarto at tumungo sa banyo, iisa lang kasi ang banyo ko at nasa may kusina pa yun. Kasalukuyan ding naliligo si Alli doon kaya dinalhan ko siya ng towel.

"Towel." sabi ko pagkatapos kung kumatok.

Binuksan niya naman ng konti ang pinto at doon sumilip. Napaiwas naman ako ng tingin ng makita ang balikat niyang basang basa.

"Thank you." sabi niya at aalis na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Uhm Carina? Uh can I borrow some clothes?" mabilis ko naman siyang tiningnan aba makikitulog na nga lang siya hindi pa nagdala ng damit.

"Makikitulog ka wala kang dalang damit?" Tanong ko sa kaniya na ikinangisi niya.

"I forgot kasi. Please? Kahit pajamas na lang wag ng underwear, I don't prefer wearing it naman kapag matutulog na." sabi niya kaya inirapan ko siya bago umalis sa harapan niya.

Napahawak naman ako sa dibdib ko ng biglang tumibok yun ng mabilis. What the hell?

Hindi ko na lang yun pinansin at nag-umpisa ng kumuha ng damit sa cabinet ko. Kumuha na rin ako ng undergarments na gagamitin niya dahil may extra pa naman ako.

Lumabas ako agad sa kwarto at pumunta sa banyo, kumatok ako ulit at mabilis niya naman binuksan yun. Nanlaki ang mata ko ng lumabas siyang nakatapis lang.

"U-uh ito damit." sabi ko sabay abot sa kaniya ng damit ko.

"Thank you. Sa kwarto mo na ako magbibihis ha?" Pagpapaalam niya sa'kin tsaka umalis sa harap ko at pumasok sa kwarto ko.

Wow, feel at home ka ah.

Umiling na lang ako at tumungo sa stove ko dahil kumukulo na ang niluluto kong tinola.

Tinikman ko muna iyon at siniguradong tama na ang lasa tsaka ko pinatay ang gasul, sakto naman ang paglabas ni Alli sa kwarto ko.

"Tara na kain n—" hindi natapos ang sasabihin ko ng mapansin ang pagbakat ng nipples niya. What the?

"What?" nagtatakang tanong niya sa'kin.

"Hindi ba ay binigyan kita ng undergarments?" tanong ko sa kaniya.

"Oh yeah thank you for that but haven't I told you to not give me those? Naiinitan ako kapag suot yun kapag matutulog ako." nakangiting sabi niya sa'kin tsaka lumapit sa mesa.

"Hmm looks good." sabi niya habang nakatingin sa hinain kong tinola sa mesa.

"Yep, taste it." sabi ko at sumandok ng sabaw tsaka iyon hinipan.

Bigla niya namang hinawakan ang kamay ko na hawak hawak ang kutsara at nilapit yun sa kaniya. Halos hindi ako makapagsalita sa ginawa niyang pag higop sa sabaw na nasa kutsarang hawak ko.

"It taste good too." napalunok ako sa paraan ng pagtingin niya sa'kin kaya mabilis kong iniwas ang tingin at kumuha na lang ng plato.

"Let's eat." aya ko sa kaniya, hindi naman siya naupo agad at may kinuha. Tsk kutsa at tinidor nga pala.

"Now let's eat." nakangiting aya niya sa'kin at umupo na.

"What is this called again?" tanong niya.

"Tinola." sagot ko na hindi pa rin makatingin sa kaniya.

"Oh yeah, tonola." sabi niya at sumandok ng sabaw at manok.

"Tinola." pag-uulit ko.

"Tinola." sabi niya at natawa na lang din sa sarili.

When We Collided Where stories live. Discover now