34

1.1K 31 3
                                    

•••••





"Hindi tama ang ginawa mong yun, Rina." napayuko ako sa sinabi ni Tatay sa'kin.

Nasa sala kami ngayon nagtitipon. Bumalik kami rito ni Alli at sabay naming sinabi kung anong meron kaming dalawa at ngayon ay hindi sila natutuwa sa ginawa kong pag-deny kay Alli kanina.

Mas lalong nadagdagan ang hiya ko ng makitang hindi pala umuwi ang mom at dad ni Alli.

"Sorry po, 'tay. Nadala lang ho ako ng emosyon at hindi ko na alam ang gagawin ko." humigpit naman ang hawak ni Alli sa kamay ko.

"Tito I am very sorry that Carina acted that way. It was my fault also for not updating her kaya nag-isip siya ng kung ano." paghihingi ng pasensya ni Alli kay Tatay.

"No, it's not your fault. Tatay ako po talaga ang may kasalanan at hindi po si Alli-" hindi natapos ang sasabihin ko ng magsalita si Nanay.

"Hayaan mo na, nadala nga sa bugso ng damdamin at hindi na-kontrol ang emosyon kaya sila nagkaganun. Matanda na ang anak natin, kaya na nilang isolba ang problema nilang dalawa ng nobya niya." mahinahong sabi ni Nanay.

"She's right balae, our daughters are too old enough to be scolded. Let them learn their mistakes from each other." ako naman ay napayuko dahil sa sinabi ng mommy ni Alli. Talagang balae pa ang tawag kay tatay.

"Nako ma'am, nakakahiya at naabutan pa kayo ng dilim dito kung gusto niyo ho ay sa kwarto na ho namin kayo magpahinga-" natigilan si nanay sa sasabihin.

"Cut the formalities, Balae. Just call me balae too." nakangiting sabi ng mommy ni Alli kay Nanay.

"Nako ay nakakahiya naman- pero sige balae." nahihiya pang sabi ni nanay. Ang cu-cute pala ng mga matatanda mahiya no.

"Okay everyone, we should take a rest now. It's getting late and we need to go home now because we have a lot of work to finish tomorrow. At balae, salamat sa pagpapatuloy niyo sa'min sa inyong tahanan." sabi ng daddy ni Alli na nabubulol bulol pa sa tagalog.

"B-balae, sana ay makapunta kayo ulit dito." kakamot kamot ng ulo si tatay habang sinasabi yun.

"Masasarap ang lambanog dito, gusto kong matikman mo yun." Ayun na, lambanog na.

"Of course balae. Thank you for the invitation, I'll make sure to come here again whenever I'm free." sabi ni daddy at nakipagkamay kay tatay.

Ang mommy naman ni Alli ay nakipagbeso kay nanay ng makatayo ito.

"And you two, please behave here." turo ng mommy ni Alli sa'min.

"Yes, mom. Please take care." tumayo na rin si Alli para makipagyakap sa mommy at daddy niya.

"Hija, tell me if this woman hurt you again okay?" ngumiti naman ako sa mommy niya at tumango.

"We really need to go na." paalam nila at sinundan naman namin sila palabas.

"Mag-iingat kayo balae." sabi ni nanay at kumaway pa kasabay naman ang pagkaway ng mag-asawa pabalik.

Agad namang umandar ang sasakyan nilang may letrang B sa harapan non at hindi ko alam kung anong tatak ba yan? Parang narinig ko na ata yan.

"Halina kayo at pumasok na. Malamig na sa labas." sabi ni tatay at nauna na silang pumasok ni nanay.

"I need to talk to them." sabi ko kay Alli.

"Let's talk to them." mabilis akong umiling sa sinabi niya.

"Mauna ka na sa kwarto ko. Alam ko may konting tampo sila sa'kin kaya kailangan ko silang kausapin." huminga naman siya ng malalim at tumango.

When We Collided Where stories live. Discover now