•••••
"Happy Birthday, Tatay!" sabay sabay naming sabi pagkatapos hipan ni tatay ang kandila sa cake niya.
"Maraming salamat sainyong lahat." nakangiting pasasalamat ni tatay.
"Marami kaming inihanda diyan, kumain lang kayo nang kumain." sabi ni tatay atsaka siya umalis sa harap.
"Rina, hindi na sana kayo nag-abala sa pagbili ng lechon." sabi ni tatay sa'kin kaya niyakap ko agad siya.
"Tatay si Devi po ang bumili non, regalo niya daw sainyo." panlalambing ko sa kaniya, kilala ko si tatay at ayaw niya ng masyadong magastos. Sigurado nga ako at pinilit lang siya ni nanay na maghanda ngayon.
"Nakakahiya yun, Rina. Lalo pa't kaklase mo yun." halata sa boses ni tatay na nahihiya nga siya pero niyakap ko lang ang braso niya at nilalambing siya.
"Huwag ka ng masyadong mag-alala, tay." sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya.
Pinaupo ko muna si tatay sa upuan niya at nagpaalam na pupuntahan muna ang ibang bisita.
Agad ko namang nakita sina Alli at Ven na nakikipag-usap sa mga kaibigan ko kaya napangiti ako sa nakita.
Papunta na sana ako sa kanila ng may biglang pumasok sa gate at nakitang si Froi yun at nakasunod sa kaniya ang tatlo niyang bodyguard, anak ng mayor dito sa probinsiya at ang hindi magkasawa sawang nangungulit sa'kin noon nung highschool.
"Wow! Ang engrande naman ata ng selebrasyon niyo, Rina." nagsitinginan ang mga tao sa kaniya at bigla silang tumahimik.
"Welcome ka rin dito, Froi. Kumain ka kung gusto mo." sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya.
"Well, mukhang masasarap nga ang handa niyo at lalo ka na. Kailan ka pa nakauwi, Rina? Nakakamiss 'yang kagandahan mo." mabilis ko namang tinapik ang kamay niya ng akmang hahawakan niya ang pisnge ko.
"Oh bago ko makalimutan ang sadya ko, nasaan na pala ang tatay mo? May importanteng pag-uusapan lang kami." nilibot niya ang paningin at nakita si Tatay.
"Mang Pael, wala pa rin ba yung pinag-usapan natin?" tanong niya kay tatay, lumapit naman si tatay sa'min at bubulong bulong na nagsalita.
"Pwede ba ay tsaka na tayo mag-usap, Froi? Nandito ang anak ko, pupuntahan na lang kita sa munisipyo." rinig kong sabi ni tatay.
"Aba'y pwede naman tayong mag-usap ngayon Mang Pael lalo na't mawawala yung lupang kinatitirikan ng tindahan niyo." sabi ni Froi na ikinangunot ng noo ko.
"Anong ibig niyang sabihin, tay?" tanong ko kay tatay.
"Kung ganun ay hindi pa pala nasasabi ng tatay mo sayo? Ganito kasi yan, Rina. May nakabili ng lupa kung saan nakatayo ang tindahan niyo, hindi ko pwedeng tanggihan dahil doble ang binayad niya. Ngayon ay pinapalayas na sila." tiningnan ko naman si tatay pero nakayuko at tahimik lang siya.
"H-hindi ba pwedeng kami na lang ang bumili? Huhulugan namin buwan buwan yun, Froi. Kahit ilang interest pa ang ibigay mo basta huwag mo lang ibenta sa iba yung lupa." sabi ko kay Froi pero tumawa lang siya.
"Hindi pwede yun, Rina. Cash ang ibabayad ng buyer. Pero kung makulit ka talaga..." dahan dahang lumapit siya sa'kin.
"...ay pwede naman nating pag-usapan ng masinsi—"akmang hahawakan niya ang pisnge ko ng biglang may kamay na tumapik sa kamay niya.
"How much is it?" mababakas mo sa tono ng boses ni Alli na galit ito at nagtitimping hindi makagawa ng gulo.
"At sino naman 'to, Rina? Maganda ka rin, gusto mo bang mag-usap din tayo ng masinsinan?" biglang nag-init ang ulo ko ng hahawakan niya sana ai Alli sa braso ng malakas ko iyong tinapik palayo.