16

1.1K 28 1
                                    

•••••







"Cari, kanina ka pa namin inaantay. Bakit ngayon ka lang?" bungad na tanong ni Yumi sa'kin. Hindi kasi ako agad lumabas ng cr. I just cried there. I fucking cried there and I hate it.

"Ah ano traffic lang." sagot ko sa kaniya. Ramdam ko namang may nakatitig sa'kin ngayon at hindi ko binigyan ng pansin yun.

Umupo ako sa tabi ni Yumi kung saan nasa likod ko lang naman.

"Hoy doon ka sa tabi ni Devi." bulong ni Yumi sa'kin pero umiling ako.

"Dito muna ako. Namiss kitang katabi e." sagot ko na parang hindi siya kumbinsido.

"Sus! Ayaw mo nga akong katabi kasi naiingayan ka sa'kin." hay oo nga sobrang ingay niya talaga.

"Oo kaya tumahimik ka na dyan at baka mabigwasan kita." sabi ko sa kaniya, umakto naman siyang zinizipper ang bibig niya at tumahimik na.

Lumingon naman si Zayren at si Mia sa'kin.

"Are you okay?" ngunot noong tanong ni Zayren sa'kin.

"Oo naman." sagot ko at ngumiti.

"Are you sure? There's something in your eyes." sabi naman ni Mia kaya nginitian ko siya.

"I'm okay. Ano ba kayo?" sabi ko at hinampas pa si Mia sa balikat niya.

Tumango naman silang dalawa na parang hindi rin kumbinsido. Nahihirapan talaga akong magsinungaling sa kanila.

"Carina." rinig kong tawag niya sa'kin pero nagpanggap akong hindi naririnig yun.

"Hey, Carina." tawag niya ulit per tinapik na ni Yumi ang kamay ko kaya nagpanggap akong nagulat.

"Ha?" tanong ko kay Yumi.

"Tawag ka ni Devi." sabi niya at tinuro si Alli. Tinanguan ko naman si Yumi at walang choice kundi lingunin si Alli.

"Yes?" sabi ko at pilit siyang nginitian. Inabot niya naman sa'kin ang isang folder na sigurado akong marketing plan na namin yun.

Her hands touches mine kaya mabilis kong nilayo ang kamay sa kaniya at kinuha ang folder. May pagtataka niya naman akong tiningnan.

"This is our marketing plan? Thank you. Ako na ang magpapasa kay prof mamaya." sabi ko sa kaniya at iniwas ang tingin sa kaniya.

Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras para lingunin siya. Hindi nagtagal ay nakarating na rin si Prof Garcia. Agad niya namang pinapasa sa'min ang marketing plan, she discuss something about it bago niya kami dinismiss.

Hanggang 11AM lang ang pasok namin ngayon kaya naisipan naming pumunta muna sa cafeteria dahil 10 pa naman ang susunod na klase.

"I need some milktea." sabi ni Zayren at nag-stretch bago tumayo sa upuan niya.

"Libre mo kami." sabi naman ni Yumi kaya inirapan siya ni Zayren.

"Tara na, babagal niyo pa e." sabi ko sa kanila at lalabas na sana ng may pumigil sa braso ko.

Nang lingunin ko ay si Alli yun, binawi ko naman ang braso sa kaniya.

"May kailangan ka, Devi?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko naman ang pagkadisgusto niya sa tinawag ko sa kaniya.

"Can we talk? May itatanong lang ako about dun sa marketing plan na pinasa kanina." sabi niya, nilingon ko naman ang tatlo at sinabihan na susunod na lang ako kaya tumango naman sila at umalis na.

Wala ng tao ngayon sa room at tanging kami na lang, malamang sa malamang ay nasa cafeteria na silang lahat.

"What happened?" paunang tanong niya, kunot noo ko naman siyang tiningnan.

When We Collided Where stories live. Discover now