•••••
"Ate Deeeee!" maliliit at matitinis na boses ang sumulubong sa amin ni Alli. Kakarating lang namin sa sinasabi niyang charity. Nang makababa kami ni Alli ay isa isang lumapit ang mga bata sa kaniya at niyakap.
"Hello, kids! Sorry matagal tagal ng hindi nakabisita si Ate Dee and I miss you all so much." sabi niya sa mga bata matapos niya itong yakapin isa isa.
"Okay lang po, Ate. Ang mahalaga po ay nandto kayo ngayon." biglang sabi ng isang batang babae na animo'y may lahi dahil sa pagkamestisa ng mukha at kulay nito.
"But I'll make it up to you now. I prepared some foods na favorite niyo and I prepared some games too. Gusto niyo ba yun?" biglang nagningning ang mga mata ng bata sa sinabi ni Alli.
"Ate sino po siya?" biglang tanong ng isang batang mga nasa 6 or 7 ata at tinuro ako.
"That's your Ate Cari. She's my special friend." sagot ni Alli sa kanila.
Bigla namang lumapit sa'kin ang batang nagtanong kung sino ako at hinawakan ang kamay ko.
"Hello po, Ate Cari. Ako po si Mikay. Ang ganda ganda niyo po." nagbend naman ako ng konti sa harap niya para magpantay kami at ginulo ang buhok niya.
"Hi Mikay. Ang ganda ganda mo rin at sobrang cute." nakangiting sabi ko sa kaniya at kinurot siya ng mahina sa pisnge na nagpahagikgik sa kaniya.
"Akala ko po Ate Dee kapatid mo si Ate Cari kasi magkamukha po kayo." bigla namang nagsalita ang isang batang lalaki na nasa 6 or 7 rin ang edad.
Pareho naman kaming napatingin ni Alli sa isa't isa.
"Really, Aaron?" tumango naman ang bata sa tanong ni Alli at tsaka niya ako nginitian na parang nanunukso. Inirapan ko naman siya.
"Dee." parehas kaming napalingon kung saan namin nakita sa mother superior na siya sigurong nangangalaga sa mga bata.
"Mother" agad na lumapit si Alli dito at nagmano. Umayos naman ako ng tayo.
"Masaya akong nandito ka ngayon, sobrang saya ng mga bata ng malaman nilang pupunta ka dito." napangiti naman si Alli sa sinabi ni Mother tsaka nilingon ulit ang mga bata.
Bigla na lang rin akong napangiti dahil sobrang lapit ng loob niya sa mga bata.
"Sobrang saya ko rin ho na nakadalaw ao ulit dito." ani ni Alli. Napatingin naman sa'kin si Mother at ngumiti.
"Ah mother, this is Carina. She's a friend and she's here to celebrate with me." nakangiting pakilala ni Alli sa'kin.
"Welcome na welcome ka dito hija. Sigurado naman akong magugustuhan ka ng mga bata, mukha kang anghel." lumapit naman ako kay Mother at nagmano din.
"Salamat po." sabi ko at nginitian siya.
"O'siya halina kayo sa loob at nakahanda na ang lahat." Aya ni Mother sa'min kaya tumango naman kami.
"We look the same daw." bulong ni Alli sa'kin habang papasok kami sa loob.
"Naniwala ka naman." basag ko sa kaniya na siyang ikina-pout ng mga labi niya. Pinigilan ko namang matawa dahil sa reaksiyon niya. Cute.
Habang papasok kami sa loob at napansin ko na ang daming balloon. Ang dami ring nakakabit sa pader ng hallway na may mga picture ni Alli na kasama ang mga bata.
Ano bang meron at may paganito? Pa-surprise ba nila 'to kay Alli dahil ngayon lang nakapunta ulit?
Habang naglalakad kami ay bigla namang nagpagitna si Mikay sa amin at hinawakan ang isang kamay namin ni Alli.