•••••
3 months later...
Napahinga ako ng malalim kasabay ng pagsilay ng ngiti sa aking mga labi. Konting tiis na lang, makakapagtapos na ako, kami.
Huling araw ko ngayon sa internship ko and our school gave us one week to rest before coming back to school para mag-ayos ng mga requirements.
It feels great lalo pa na may kahihinatnan na ang mga paghihirap ng magulang ko. Konti na lang.
"Thank you for your hard work, Ms. Vinson. Our company is open for you, we really like your performance. We're also looking forward to see you working here again." napangiti ako sa sinabi ni Ma'am Vina, head manager ng kompanyang pinasukan ko.
"Thank you so much, Ma'am." tumango ito sa'kin pagkatapos akong kamayan.
Napahinga ako ng malalim, hayy sa wakas makakatikim rin ng pahinga.
Papalabas na sana ako ng building ng biglang tumunog ang cellphone na nasa bag ko, agad kong kinuha yun at tiningnan kung sino ang tumawag.
Agad na sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng makita kung sino ang tumatawag.
"Love..." malambing kong sabi sa kaniya ng sagutin ko ang tawag niya.
"Hey, nasa tapat ako ng building niyo. Let's have some lunch." napangiti ako sa sinabi niya.
"Okay, palabas na ako." sabi ko at pinatay ang tawag. Madali akong naglakad palabas at agad na nakita ang kotse niya sa tapat.
Nasa labas siya ng kotse niya at nakasandal sa hood. Tirik ang araw at naka-sunglasses pa siya. Damn, ang ganda.
Habang papalapit ako sa kotse niya at dahan dahan rin siyang lumingon sa gawi ko.
Sumilay ang ngiti sa labi niya ng makita ako. Bahagya pa nitong binaba ang sun glasses niya para makita ko ang mata niyang kumindat sa'kin.
"Hi, gorgeous." bati nito sa'kin ng makalapit ako sa kaniya.
Mabilis ko siyang hinalikan sa labi at tinitigan siya.
"Hi." balik kong bati sa kaniya.
"Bakit nasa labas ka ng kotse mo? Ang init init." tanong ko sa kaniya at pinulupot ang kamay sa bewang niya.
"I'm excited to see you." sagot niya na ikinatawa ko.
"Kagabi lang tayo huling nagsama, wag oa." sabi ko at mahina siyang hinampas sa balikat niya.
"I'm always excited to see you, love." sabi niya at umirap. Aba naman.
"Let's go somewhere else. What do you want for lunch?" tanong niya sa'kin.
"Hmm I want something crispy. Hmm Jollibee." parehas nagningning ang mata namin dahil sa sinabi ko.
"Alright. Let's eat chicken." sabi niya at hinalikan ako sa noo bago ako alalayang makapasok sa kotse niya.
"Oh by the way, mom wants to see me later before dinner. Want to go with me?" bungad na tanong niya sa'kin nang makapasok siya sa kotse niya.
"Hmm I'm going to pack my clothes later, love. Uuwi akong province, right?" sabi ko sa kaniya. Balak ko kasing doon magspend ng one week rest ko, inaya ko rin siya para maipakilala ko na siya ng pormal kina tatay at nanay pero sabi niya ay susunod na lang daw siya sa'kin dahil may kailangan pa siyang tapusin sa kompanya nila.
"Oh right! I almost forget about that. Ihahatid kita bukas, kahit sa terminal lang ng bus." tumango ako sa sinabi niya at nginitian siya.
"Thank you." nakangiting sabi ko sa kaniya.