24

1.3K 38 7
                                    

•••••








"Nay, mag-iingat kayo dito ha." agad kong niyakap si nanay ng mahigpit. It's already 8 in the evening ay naisipan na naming umuwi ni Alli dahil papasok na kami bukas. Medyo mahaba haba ang biyahe pero okay na rin naman.

"Ikaw din wag kang papagutom sa apartment mo." sabi ni nanay na naiiyak na naman.

"Tay, huwag masyadong magpapagod ha." lumapit ako kay tatay at niyakap rin siya.

"Nakong bata ka mas malakas pa sa kalabaw ang itay mo." sabi ni tatay na tinawanan ko, hihirit pa talaga e.

"Sige na, mag-iingat kayong dalawa ni Devi anak ha." sabi ni tatay. Nagpasundo kasi si Alli sa driver nila para daw mapabilis yung biyahe namin pauwi.

"Opo naman. Hoy ikaw Aki ha, mag-aral ka ng mabuti huwag mag boyfriend muna ha!" lumapit naman si Aki sa'kin at niyakap ako.

"Pft sa pagka-amazona niyang yan ay hindi makakapag boyfriend yan." rinig kong bubulong bulong na sabi ni Ven.

"Asungot talaga yan ate." bulong rin ni Aki sa'kin.

"Ate mag-iingat ka doon ha? Sabihin mo sa'kin kapag pinaiyak ka ni Ate Devi." bigla naman akong natawa sa sinabi ni Aki. Nasabi ko na kasi sa kaniya ang tungkol sa'min ni Alli at siyempre todo support ang kapatid ko. Kina nanay naman ay tsaka ko na lang sasabihin kapag nakauwi ako ulit dito, ayaw ko namang gulatin sila ni tatay pareho.

Naghiwalay namang kaming magyakapan ni Aki at nakitang kinakausap ni tatay si Alli at mukhang natutuwa pa nga si tatay aa kaniya.

"Opo tito, I will look after her." rinig kong sabi ni Alli kay tatay.

"Sige at mag-ingat kayong dalawa." sabi ni tatay at tinapik ang balikat ni Alli.

Nakangiti namang lumapit si Alli sa'kin at kinuha ang bag na bitbit ko.

"Let's go." aya niya sa'kin.

"Bye, Ateee!" sigaw ni Aki kaya napapailing na lang ako.

Kumaway naman ako sa kanila bago ako pumasok sa sasakyan. Binuksan ko ang benta at nagpaalam ulit sa kanila. Matagal na naman kasi akong makakauwi dito.

"They will miss you." sabi ni Alli ng sinarado ko na ang bintana.

"Mamimiss ko rin sila." sagot ko.

Lumapit siya sa'kin at hinalikan ako sa noo.

"Sleep first, mahaba haba ang biyahe natin." she whispered. I smiled at her and lean my head on her shoulder.

I swear, her shoulder os my fave spot now. It feels so comfy. It feels like home.

"I can't sleep, later na lang sa apartment." sabi ko.

"Oh about that..." napatingin ako sa kaniya.

"What is it?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"You'll sleep in my condo, love." bigla namang nagsi-initan ang pisnge ko sa tawag niya sa'kin.

"W-what?" nauutal na sabi ko but she just smirk.

"You're really cute when blushing, love. Yes, you'll sleep in my condo from now on hmm?" From now on? Anong ibig niyang sabihin?

"Alli, what do you mean?" tanong ko sa kaniya.

"I want you to live with me, love." I... I was stunned on what she said.

"I mean, it's still your decision love. I just can't let you live on that apartment it seems not safe even if you told me it's not." I blink twice before holding her hand.

When We Collided Where stories live. Discover now