28

1.1K 37 3
                                    

•••••






Hindi ako mapakali ngayon sa kakahanap ng matitino kong damit habang si Alli ay nasa kama ko at kanina pa pabalik balik ang tingin sa'kin.

"I told you already, just wear anything. You're still pretty anyway." rinig ko na namang sabi niya. Kanina niya pa inuulit ulit yan.

"Parents mo ang ime-meet ko, Alli. Tumahimik ka diyan." naiinis ko ng sabi.

She's just chill while sitting there while I'm being so nervous here. It's my first time to meet someone's parents at sa girlfriend ko yun so I must wear something decent.

Sa kalagitnaan ng paghahanap ko ng damit ay biglang may dalawang pares ng kamay na yumakap sa bewang ko.

"Here. Just wear this, love." bulong niya at inabot sa'kin ang isang paper bag.

"Saan galing yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Kanina ko pa bitbit 'to. You didn't notice?" Tanong niya rin sa'kin.

"You mean kanina mo pa bitbit yan pero hindi mo sinabi sa'kin?" kumawala ako sa pagkakayakap niya sa'kin at hinarap siya.

I can't believe it.

"I was about to say it but you're too cute habang naghahanap ng damit at nakakunot ang noo." napapikit ako dahil sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at hinanda ang kamay ko.

"At talagang natutuwa ka pa, Allison!?" naiinis na sigaw ko sa kaniya at hinampas ang braso niya.

"Hey! Ouch! Stop it, love." tatawa tawa niyang sabi habang sinasangga ang kamay kong gustong hampasin ulit ang braso niya.

"Alright! Alright! I'm sorry. Ito na oh, I'm sorry na nga." sabi niya at inabot sa'kin ang paperbag na dala niya.

"I saw it earlier nung papunta ako dito. Binili ko agad because I know it will suit you." siya na mismo ang kumuha nun sa loob ng paperbag at pinakita sa'kin ang isang plain halter short puff sleeves dress.

"C'mon try it." nakangiting sabi niya sa'kin.

Napabuntong hininga naman ako at akmang aalis at papasok sa CR ng pigilan niya ako.

"Where are you going?" takang tanong niya.

"Sa CR, saan pa ba?" balik ko ring tanong sa kaniya.

"Why? Just change here." nakangising sabi niya sa'kin kaya napalo ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko.

"Tigilan mo nga ako, Alli." sabi ko sabay irap sa kaniya na ikinangisi niya lang. Hindi naman na siya nangulit at hinayaan akong pumasok na sa loob ng CR.

Pagkapasok ko pa lang sa loob ay agad kong tinitigan ang dress na binigay niya sa'kin. Napangiti ako ng maalalang ako ang iniisip niya ng bilhin niya 'to.

Umiling iling naman ako habang sinusuot ang dress sa katawan ko. Sobrang fit lang para sa'kin. Parang alam na alam niya na talaga yung sukat ko.

Napatingin ako sa salaming nasa harapan ko. Ang ganda.

Pinasadahan ko ng kamay ang telang ginamit sa dress. Napakalambot ang hindi mainit sa katawan. Nakakatuwa rin ang kulay ng dress, sobrang bagay sa'kin.

Huminga ako ng malalim bago binuksan ang pintuan ng CR. Mukha niya agad ang bumungad sa'kin.

"Damn, I knew it. It really suits you." sabi niya habang kumikinang-kinang pa ang mga mata.

"B-bagay ba talaga?" paninigurado ko dahil kinakabahan pa rin ako hanggang ngayon.

"Of course. This dress is meant for you, my love. You look so gorgeous." Puri niya sa'kin at nilapitan ako.

She kissed my hair and brush her hands on my shoulders.

When We Collided Where stories live. Discover now