06

1K 30 0
                                    

•••••




"I'm done with the executive summary." tumango naman ako sa sinabi ni Alli habang nagta-type sa laptop niya.

It's sunday at nasa condo niya kasi kami ngayon para gumawa ng Marketing plan.

"Are you hungry? Magpapa-deliver ako." tanong niya sa'kin.

Tumango lang ako sa sinabi niya. I'm busy doing the market analysis siya naman ay nasa tabi ko at may kinakalikot din sa isang laptop niya.

"Kanina ka pa gumagawa, why don't you rest muna?" rinig kong sabi niya.

"Okay lang, next week na pasahan nito 'di b?" tanong ko, hindi kasi ako masyadong nakinig kay Prof nung mag announced siya.

"Yes, but you can rest first." sabi niya, tumango na lang ako sa sinabi niya.

Kinapa kapa ko naman ang baso na may lamang juice sa gilid ko habang ang mga mata ko ay nasa screen pa rin ng laptop.

I was going to get the glass ng may biglang humawak sa kamay ko kaya napatingin ako doon.

Bigla namang nagulat si alli sa ginawa kaya nilayo niya din ang kamay sa'kin.

"I'm sorry, hindi kasi ako nakatingin." sabi niya at kinuha ang isang baso at ininom ang juice.

I saw how her neck gulping when she's drinking the juice, bigla rin akong napalunok at nag-iwas ng tingin. Anong ginagawa mo, Carina?

"How's your work?" She asked out of nowhere.

"Ayus naman, na-assigned ako sa kitchen at naging apat na oras na lang ang trabaho ko." sagot ko sa tanong niya.

"Good, makakapagpahinga ka ng maayos." nilingon ko naman siya.

"How did you know that place? Napupunta ka ba doon noon?" tanong ko sa kaniya na ikinangisi lang niya.

"Well, sometimes." sagot niya.

"Ang showbiz naman ng sagot mo, Alli. " sabi ko.

"I like it when you're calling me Alli, it's cute." sabi niya habang nakatitig sa'kin.

What's with those eyes? Para akong nalulunod sa tingin niya. I can't keep my eyes off her. Why?

Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan yun ng pagiging seryoso ng mukha niya. She gulped when her gaze turned on my lips.

I can't move.

Now I can see her moving closer to me and all I did was to be a statue staring on her and wait for the next thing she will do.

Natigilan naman siya sa paglapit sa'kin ng marinig niya ang pagdoorbell sa labas.

Napapikit naman siya at parang nanghihinayang na tumayo at tumungo sa pinto.

Napahinga ako ng malalim ng makaalis siya sa harapan ko. What the hell?

Did she planned to— argh nevermind.

Muli na lang akong nag-focus sa ginagawa ko, naramdaman ko naman na siyang bumalik na dito sa pwesto namin pero hind ko siya nilingon.

Nahihiya pa rin ako sa nangyari baka akala niya ay ini-expect ko siyang halikan ako but no! Hindi 'no, may boyfriend ako hindi yun mangyayari.

Bigla namang may humila sa braso ko kaya dahil sa gulat na naramdaman ko ay natapik ko iyon, sa gulat ng makitang si Alli yun ay nanlaki ang mata ko.

"I was just going to tell you that the food is ready." sabi niya.

"I'm sorry, nagulat lang ako." sabi ko.

"Are you okay? You're so re—" hahawakan sana nito ang noo ko ng umatras ako.

When We Collided Where stories live. Discover now