07

1K 27 0
                                    

•••••


"Sigurado ka bang okay ka na? I can tell our professors that you're not feeling well." paulit ulit na tanong ni Alli sa'kin kanina pa, sinabi ko na kasing papasok ako pero hindi talaga siga kumbinsidong okay na ako.

"Okay na ako, Alli." sabi ko sabay tayo.

"Uuwi na muna ako at magbibi—" hindi natapos ang sasabihin ko ng magsalita ulit siya.

"No, just borrow my clothes baka ma-late ka pa kung uuwi ka." sabi niya, tumalikod naman siya sa'kin at pumasok sa walk in closet niya.

Sa kwarto niya nga ako natulog, sa kama niya ako nahiga pero siya naman yung nahiga sa sofa. Napailing na lang ako.

"Here, it suits you." sabi niya sabay abot sa'kin ng isang sweatshirt at pants.

Nangunot naman ako sa inabot niya sa'kin.

"Uhm sobrang init sa labas, Alli." sabi ko sa kaniya.

"Baka lamigin ka ulit." nag-aalalang sabi niya.

"Hindi, okay na 'ko. Napalakas lang kasi yung ac kagabi kaya nanlamig ako." tumango naman siya sa sinabi ko, nahihiya na nga ako dahil naka-off ang ac kagabi at halatang init na init na siya sa pwesto niya.

Bumalik siya ulit sa loob at may dala ng kulay khaki na crop top paglabas niya

"Here." sabay abot niya sa'kin.

"Use my bathroom, may heater doon." tumango ako sabay pasok sa banyo niya.

Napahinga ako ng malalim ng makapasok sa loob ng banyo niya. I felt uncomfortable around her parang kapag nagtagal ako dito ay parang may mangyayari kaya nga gusto ko ng umuwi.

I feel like I can't control myself around her at hindi ko alam kung bakit.

Nagsimula na akong maligo at isinantabi ang iniisip. Bigla namang pumasok si Liam sa isip ko, hindi na siya nagparamdam simula nung nagkita kami sa labas ng room. Ni-text man lang ay wala.

Nang makalabas ako sa banyo ay agad kong nakita si Alli na nasa harap ng vanity mirror niya at binoblower ang buhok sa katabing kwarto siguro siya naligo.

Nagbihis na rin ako sa loob ng banyo kaya dahan dahan kong nilapag ang ginamit kong tuwalya sa kama niya.

She's wearing a chocolate brown and a pants na parehas sa'kin. Bigla namang kumunot ang noo ko dahil parang naka couple outfit kaming dalawa.

Carina! Ano bang iniisip mo?

"Hey, do you want me to blower your hair?" tawag niya sa'kin kaya napalingon ako sa kaniya.

"U-uhm sige..." tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa harap ng vanity table at pinaupo ako doon.

Kukunin ko na sana ang hair blower sa kaniya ng pigilan niya ako.

"Ako na." sabi niya.

"Ako na, Alli. Give me that." sabi ko at pilit na inaagaw ang hair blower sa kaniya.

"Ako na nga, consider me as your parlorista for now." sabi niya sabay tawa. Hindi naman na ako nakakontra pa dahil sapilitan niya na akong hinarap sa salamin.

She's now starting blowing my hair.

"Your hair is so soft and my shampoo really smells good on you." bigla sabi niya kaya bigla akong nahiya.

I'm having a goosebumps right now everytime her hand touches my skin.

"Done." sabi niya at binaba ang hawak na hair blower sa harap ko.

"You can use my make up if you want." dagdag niya.

Kinuha ko naman ang matte lipstick at ilalagay na sana labi ko ng bigla niyang agawin yun sa'kin.

"Wait I'll just put a little bit." sabi niya at yumuko para makita ang sarili niya sa salamin.

Napatitig naman ako sa kaniya habang nilalagay ng lipstick ang labi niya.

Why does her lips looks perfect?

"Here." sabi niya at binigay sa'kin ang lipstick, umalis naman na siya sa tabi ko at naunang lumabas ng kwarto niya.

What the? Ano bang nangyayari sayo, Cari? Masyado ba siyang maganda at ganyan ka?

Dali dali ko namang inayos ang sarili ko at naglagay ng konting lipstick bago lumabas ng kwarto niya.

"Alli, thank you ulit sa pag-aasikaso sa'kin kagabi." sabi ko sa kaniya ng makababa kami ng sasakyan niya.

Nasa parking lot na kami ngayon ng university at kakarating lang.

"It's okay. Let's go." aya niya sa'kin at magsisimula na sana kaming maglakad ng may tumawag kay Alli.

"Devi!" parehas naming nilingon ang tumawag sa kaniya at nakitang si Liam yun.

Si Alli pa talaga ang tinawag imbes na ako?

"Liam?" bungad ko sa kaniya ng makalapit siya sa'min.

"Oh nandito ka din pala, Cari." what the? Hindi niya ako napansin?

"Btw are you free tonight, Devi?" naguguluhan ko naman siyang tiningnan.

What is happening? Para akong bula dito na hindi niya napapansin.

Sa inis ko ay hinawakan ko siya sa braso at hinila siya palayo kay Devi.

"What is happening?" tanong ko sa kaniya.

"What? I'm just inviting her for dinner." hindi ako makapaniwalang tiningnan siya.

"What? Pero ako ang girlfriend mo, Liam! You didn't even text or call me this past few days tapos iba ang aayayain mong mag dinner?" singhal ko sa kaniya pero natawa lang siya.

"Oh yeah I forgot to tell you this, let's break up." sa sinabi niyang yun ay doon na nagsimulang bumuhos ang luha kong matagal ko ng pinipigilan tuwing kaharap siya.

"W-what?" I almost lost of words dahil sa sinabi niya.

"You hear me, Cari. Let's break up." ulit niya.

"What the h-hell, Liam? Are you joking right now? Joke ba 'to?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

"Let's just end this, I lost my interest on you that's it." parang wala lang na sabi niya kaya hindi ko na napigilan ang kamay kong sampalin siya.

"You lost your interest on me? Dahil may pinagkaka-interesan ka na namang iba, right?" tanong ko kahit obvious naman na kung sino ang gusto nito.

"Alam mo naman pala. You're so boring, everytime I'm with you I got bored easily. You don't even want me to touch you, napaka-arte mo. Maybe we're not really for each other so let's just end this." sabi niya na lalong nagpaguho sa mundo ko.

All this time— all this time I thought he's happy to be with me and all of it was a lie?

"You're an a-asshole." Halos pabulong ko ng sabi.

"Asshole? You love this asshole, Cari. I don't want to have any connections with you anymore." huling sabi niya bago siya umalis sa harap ko.

And I felt my knees melting, napaluhod ako sa sahig dahil sa nangyari.

How could he do this to me? He dumped that easily!

Ganun ba ako kadaling iwan? Dahil ba sobrang ganda at yaman ni Alli iiwan na lang ako ng ganun ganun lang?

Am I not enough? Maganda din naman ako, why it's always Alli!? Why!? Fuck it!

Nang mahimasmasan ako ay tumayo ako at pinunasan ang mukha ko. Pumunta ako sa pinakamalapit na CR at naghilamos doon.

Napatingin ako sa repleksiyon kong nasa salamin. I look like a mess right now. I don't deserve this.


••••••

When We Collided Where stories live. Discover now