02

1.2K 38 0
                                    

•••••



"Cari! Sabay ka na sa'kin kanina ka pa dyan." napalingon ako sa sasakyan ni Zayren na ngayon ay nasa harapan ko na.

"Hindi na, Zay. Inaantay ko si Liam." sagot ko pero umiling lang siya.

"Oh c'mon Carina. Kanina mo pa 'yun tinext ni hindi nga nagrereply sayo. Tara na ihahatid na kita." pagpupumilit niya sa'kin pero umiling ako.

"Ayus lang ako dito Zay. Maaga pa naman baka may practice pa." tiningnan niya naman ako na parang suko na.

"Okay but text me kung wala pa rin ha? I'm gonna pick you up here kung wala pa rin siya." napangiti naman ako sa sinabi niya at tumango. Umalis na rin naman siya at nagpatuloy na akong antayin si Liam ulit.

Panay ang tingin ko sa relo ko dahil gumagabi na. It's already 6PM at wala pa ring reply galing sa kaniya.

I was tapping my toe on the ground nang may marinig akong bumusina kaya napatingin ako. Ngingiti na sana ako ng akalaing si Liam yun but I was wrong.

"Hi. Wala ka pang sundo? Ihahatid na kita kung wala pa." It was her.

"Hindi na, I'm waiting for someone." sagot ko pero hindi pa rin siya umaalis.

"Who? Do you think dadating pa yung inaantay mo?" She asked.

Tiningnan ko naman siya. Feeling close ka beh?

"I'm not feeling close ha I'm just a worried classmate." what the? Nakakabasa ba ng utak 'to?

"So? Let's go, it's getting late." sabi niya ulit, makulit din pala ang lahi nito. Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na may tinitingnan sa malayo.

"Alright. Sasabayan na lang kita dito hanggang sa dumating yung inaantay mo." bigla naman akong napatalon ng makitang nasa tabi ko na siya at nakaupo na rin.

"Nanggugulat ka naman, dun ka nga sa malayo." sabi ko at tinuro yung nasa likod niya. Pero umiling lang siya at ngumiti na naman. Ano bang trip nito.

"Hayy matagal pa ba siya?" mukhang naiinip na tanong niya tiningnan ko naman siya na busy kakatype sa phone niya.

"Sinabi ko naman kasi sayong umuwi ka na, kaya ko namang mag antay dito." sabi ko sa kaniya pero isang iling na naman ang natanggap ko.

"I insisted na mag antay dito kasama mo. I'll go rin naman kapag dumating na yung inaantay mo." Lumingon siya sa'kin at tinago na niya ang phone sa bulsa niya.

"Ang kulit ng lahi mo." sabi ko na ikinatawa niya lang.

"I told you, I want to be friends with you." ngingiti ngiti niyang sabi.

"Hindi ka pasok sa friends list ko." maikling sabi ko na ikinagulat niya at umaktong na-offend.

"Wow? Are you telling me that I'm not approachable? Gosh you're the first person who told me that." iiling iling na sabi niya.

"I'm not saying anything. Ang sabi ko lang ay hind ka pasok sa friends list ko." sabi ko sabay irap sa kaniya.

"So saan ako pasok?" tanong niya sa'kin na ikinatigil ko.

"Pasok ka sa enemy's list ko." sagot ko na ikinatawa niya.

"You're funny. I like that." tatawa tawang sabi niya pero tiningnan ko siya ng seryoso. Tumigil naman siya kakatawa nang mapansing hindi ako natawa.

"So you're serious about that? Okay I'll be one of your enemy that will treat you like a friend." sabi niya na ngingiti ngiti na naman sa'kin. Hindi ko na lang siya pinansin.

When We Collided Where stories live. Discover now