26

1.2K 34 6
                                    

•••••








"Uy! Uy! Uy! Bakit parang ang ganda ng ngiti?" pigil akong ngumiti at binitawan ang cellphone na hawak ko dahil sa sinabi ni Yumi.

"Napansin niyo rin? Parang blooming e." dagdag ni Zayren tsaka nila ako pinalibutan.

"Tell us what happened?" nailayo ko naman ang mukha ko ng biglang inilapit ni Mia ang mukha niya sa'kin kaya natulak ko ang mukha niya gamit ang palad ko palayo sa'kin.

"Hindi ba pwedeng masaya lang?" pigil na ngiti kong sabi.

"May nangyari ba? Bago ka umalis papunta sa probinsya nyo e hindi ka okay." sabi ni Mia na may pagtataka.

Napaayos ako ng upo at hindi makatingin sa kanila.

"Wait..." napatingin naman ako kay Zayren dahil sa sinabi niya.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Tumingin ka ulit sa kaliwa." wala naman akong nagawa at sinunod ang sinabi niya. Sabay sabay silang napasinghap at nagtakip ng mga bibig nila gamit ang kamay.

"OMG..." sabay sabay nilang sabi.

"B-bakit?" tanong ko ulit ng biglang lumapit si Yumi sa'kin at hinawakan ang kwelyo ng uniform ko at hinawi yun.

"Gosh confirmed guys, this is a hickey." seryosong sabi ni Yumi kaya natapik ko ang kamay niya sa kwelyo ko.

"Who did that to you girl? Wag mong sabihin na may hinaharot ka dito sa school without us knowing?" napaiwas naman ako ng tintinnsa kanila, nakakahiya talaga silang tatlo. Halos pasigaw na kasi silang nagsasalita mga OA talaga.

"T-tumahik nga kayo. Ang over reacting niyo naman kasi ano lang 'to u-uhm ano kagat ng la-" hindi natapos ang sasabihin ko ng biglang may humalik sa pisnge ko kaya mabilis kong tiningnan yun at nakitang si Alli yun. Bigla naman akong namula ng makitang nakangiti ito sa'kin.

"Good morning, love. Have you eaten your breakfast?" mabilis naman siyang umupo sa tabi ko habang nakangiti pa rin.

Nilipat niya naman ang paningin sa tatlong nasa harapan namin at ganun rin ang ginawa ko.

Napatampal na lang ako sa noo ng makitang nakanganga silang tatlo. Nako naman talaga.

"Good morning, girls!" bati ni Alli sa kanila.

"What in the world is the meaning of this?" nakatulalang tanong ni Yumi.

"Are you guys dating?" tanong ni Mia.

"Are you the one who made that hickey?" tanong ni Zayren na nakapagpikit ng mata ko.

"Stop it guys, nagmumukha kayong wierdo." saway ko sa kanila kaya nalipat ang tingin nila sa'kin.

"Kasi naman ano kasi kayo?... Hindi naman kayo nagsasabi kasi... Ano ba talaga?..." sabay sabay nilang tanong kaya tinaas ko na ang kamay ko para patahimikin sila.

"She's my girlfriend. It happened very fast but it took us a while to understand what we truly feel towards each other." sa sinabing yun ni Alli ay mas na-shook sila.

"OMG! Welcome to the club!" tiling sabi ni Yumi sa'kin at niyakap ako.

"You shocked us guys." sabi ni Zayren habang nakatulala pa rin.

"I'm so proud of you. Itaas ang bandera ng mga bading!" napapikit na lang ako sa sinabi ni Mia.

Nalipat ang paningin ko sa ilalim ng mesa ng hawakan ni Alli ang kamay ko at pinisil yun. Iniangat ko ang paningin sa kaniya at nginitian siya.

Natapos ang buong araw na klase, nag-aya silang magkape sa malapit na coffee shop at tatanggi sana ako ng hawakan ni Alli ang kamay ko.

"Sasama kami." sabi niya sa mga kaibigan ko.

When We Collided Where stories live. Discover now