32

905 26 6
                                    

•••••

Kanina pa ako pabalik balik dito sa sala at hindi alam kung anong pwedeng gawin.

Kaninang umaga ang huling text miya sa'kin pero hindi na nasundan yun, kaya heto ako ngayon inaantay ang reply niya sa'kin.

Dapat ngayon ay nagtext na siya na papunta na siya rito, pero wala.

"Ate nakakahilo ka. Pumirmi ka nga muna." suway ni Aki sa'kin.

"Hindi pa siya nagte-text, Aki." sabi ko.

"E baka may tinatapos pa. Antayin mo lang magrereply din yan." sabi niya tsaka binalik ulit ang tingin sa librong hawak.

It's been three days simula ng umuwi ako dito.

I am worried. Kanina pa.

Nasabi ko na rin kay Aki ang namamagitan sa'min ni Alli at sobrang thankful ako dahil napaka-understanding at supportive ng kapatid ko sa'kin.

Hindi pa nakakuwi sina nanay galing sa tindahan namin kaya heto kami ni Aki ngayon ay hinihintay na lang namin silang makauwi. Nagluto rin ako para pagsasaluhan namin sakaling dumating na si Alli pero wala pa rin.

"Ate, hindi kaya marami pa siyang ginagawa doon? Baka bukas pa siya makakasunod dito." sabi ni Aki.

"Kung ganun naman pala e 'di sana nagtext na siya sa'kin. I know her, Aki. She always updates me kapag may ginagawa siya." sabi ko sa kaniya.

"Maya maya ay may text na yan." paninigurado niya sa'kin, tumango naman ako tsaka ulit nagpabalik balik sa sala. Hindi talaga ako mapakali.

Lumayo ako ng konti kay Aki at tumingin sa labas ng bintana. Para n akong baliw na kanina pa silip nang silip sa labas.

Tiningnan ko naman ang cellphone ko kung may text pero wala pa rin. Bigla ko namang nadanaan ang contacts ko at nakita ang number ng mommy niya.

Tawagan ko ba? Magtatanong lang naman ako kung nasaan si Alli, baka alam ng mommy niya.

Bumuntong hininga muna ako bago ko pinindot ang call sa number ng mommy niya, nahihiya talaga ako ngayon.

Nakakadalawang ring pa lang ay sumagot na ito.

"H-hello po." nauutal kong bungad.

"Oh hija, napatawag ka? Inaway ka ba ni Allison?" paunang tanong niya sa'kin.

"No po, m-mom. Uhm itatanong ko lang ho sana kung kasama niyo po ba si A-alli ngayon?" tanong ko.

"Oh well, nasa kompanya siya kanina pero maaga siyang pinauwi ng daddy niya dahil tapos na rin naman ang internship niya sa kompanya. Bakit hija? Hindi pa ba siya nakakatawag sa'yo?" bigla akong nanghina sa sinabi ng mommy niya. Kung kanina pa siya nakauwi bakit hindi man lang siya nagtext sa'kin?

"U-uh wala po. Pwede po bang humingi ng f-favor?" sabi ko.

"Of course hija. What is it?" tanong niya sa kabilang linya.

"Pwede po bang paki-text sa'kin kung nakatawag na ho sainyo si A-alli?" Nanghihina ako ngayon.

"Of course, I'll get in touch once I receive some call from her." tumango naman ako kahit niya nakikita. Nagpasalamat ako sa mommy niya bago ko ibaba ang tawag.

What's happening? Bakit ni-update ay wala akong nakuha galing sa kaniya?

Huminga ako ng malalim at papasok na sana sa kwarto ng biglang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko namang tiningnan at nagbabakasakali na si Alli na yun pero hindi.

It's Liam.

Kahit naiinis ay nagawa ko pang i-view ang message niya na sana ay hindi ko na lang ginawa.

When We Collided Where stories live. Discover now