•••••
"Ate Dee kailan po kayo babalik ni Ate Cari dito?" malungkot na tanong ni Mikay sa'min.
Nasa labas na kasi kami ngayon at papauwi na, medyo pagabi na nga ngayon kaya kailangan na naming umuwi.
"Hmm we'll think about it pa, Mikay. May pasok din kasi kami ni Ate mo Cari." sabi ni Alli tsaka ginulo ang buhok ni Mikay.
"Ate mamimiss po kayo namin." sabi naman ni Chloe at niyakap si Alli.
"Babalik ako dito kids. Don't worry kasama ko pa rin si Ate Cari niyo kapag babalik ako dito." lumingon naman si Alli sa'kin at sinensyasang lumapit ako.
"Yes, kids. Babalik kami dito siguro kapag wala na masyadong ginagawa sa school, okay ba sainyo yun?" masayang tanong ko sa kanila at nagbend kaunti para maging kapantay sila.
"Talaga po, Ate Cari? Aasahan po namin yan." Tumango naman ako sa kanila at tsaka nginitian.
"Sige na mga bata aalis na ang mga ate niyo. Magpaalam na kayo." sabi naman ni Mother superior.
"Babye pooo! Mag-iingat po kayo mga ateee!" napatawa naman ako dahil sabay sabay silang nagsabi non.
"Babalik kami kids. Behave kayo dito, okay?" sabay sabay din silang tumango sa sinabi ni Alli.
"Happy Birthday po ulit Ate Dee." sabay sabay nilang sabi. Kumaway naman ako sa kanila bago kami pumasok sa kotse ni Alli.
Hanggang makaabot kami sa gate ay nakasunod sila at nagsisigaw ng babye. Ang cute lang.
"They're cute." sabi niya ng makalabas na kami.
"Sobra. Let's come back here." sabi ko kaya napalingon siya sa'kin.
"With me?" tanong niya.
"Of course." sagot ko at iniwas ang tingin.
"Okay then." sabi niya wala na ring nagtangkang nagsalita sa aming dalawa. I mean, I don't know what to say.
"You didn't tell me it's your birthday." basag ko sa katahimikan naming dalawa.
"It's a surprise nga kasi." sabi niya at natawa.
"Hindi ko alam na ang may birthday na pala ang magsu-surprise dapat." sarkastiko kong sabi sa kaniya.
"Well, just greet me a happy birthday." sabi niya kaya nilingon ko siya at inirapan.
Iniwas ko naman ang tingin sa kaniya ulit at tumingin sa labas ng bintana.
I heard her cleared her throat bago siya magsalita ulit.
"Uh I really like your voice while singing kanina." she said.
I don't know, I just felt so shy when she said that. I mean marami na rin namang nagsabi na maganda ang boses ko pero kapag galing sa kaniya nahihiya ako.
"Can you do more? I mean, I know your voice will be good at— nevermind." sabi niya sabay iling iling ng ulo niya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"In what, Alli?" nagtatakang tanong ko sa kaniya. Bakit kasi hindi na lang tapusin yung sinasabi, gusto pa atang pag overthink ako.
"Don't mind me, Carina." I saw how she gulped.
"Saan nga? Baka hindi ako makatulog kakaisip kung ano yun kaya sabihin mo na." pangungulit ko sa kaniya pero umiling lang siya.
"No, it will be awkward kung sasabihin ko." sabi niya but I kept on asking her what is it.
"Ano nga kasi? Isa? Sabihin mo n—" She immediately stopped the car sa tabi ng daan at nilingon ako.
"Iwasjustthinkingifyourvoicewillbegoodatmoaningtoo!" mabilis na sabi niya na halos hindi ko ma maintindihan kaya tumagilid ako ng upo paharap sa kaniya.