20

1.1K 37 7
                                    

•••••





"Tay!" masayang bungad ko kay tatay ng makapasok siya sa bahay. Halata ang pagkagulat niya ng makita niya ako pero isang mahigpit na yakap din ang sinukli niya sa yakap ko sa kaniya.

"Akala ko ay bukas ka pa makakauwi anak? Hindi man lang kita nasundo sa terminal." sabi ni tatay pero nginitian ko lang siya.

"Tay naman, surprise nga e. Tsaka hindi mo ba ako namiss? Napaaga nga ang uwi ko e." sabi ko sa kaniya na ikinangiti niya.

"Ay kung tatanungin mo ang nanay at kapatid mo ay sobrang miss kita." sabi ni tatay kaya niyakap ko siya ulit. Humiwalay naman si tatay sa'kin at pumunta sa may pintuan.

"Colonel, pasok po muna kayo." sabi ni tatay at biglang nanlaki ang mata ko ng pumasok ang kanina'y kausap ni Alli sa kabilang bahay.

Mas lalong nanlaki ang mata ko ng nasa likod niya rin si Alli.

"Anak, ito pala si Colonel Fernandez. Colonel, anak ko si Rina." masayang pakilala ni tatay sa'kin.

"Good afternoon, Rina. Just call me Ven." sabi niya at inabot ang kamay sa'kin kaya pilit ko siyang nginitian at inabot ang kamay niya.

"Mukhang tama po kayo, Tay. Ang ganda nga ho ng anak niyo." papuri niya sa'kin, nakuha naman ng pansin ko ang pasimpleng pagsiko ni Alli kay Ven.

"Oh by the way, this is my sister Devi. She's from manila and decided to visit me here. Biglaan nga ang pagbisita niya sa'kin. May sinusundan ata." Hindi ko masyadong narinig ang huling sinabi niya pero isang siko na naman ang natanggap niya mula kay Alli.

At sister? Magkapatid sila? Really? Why they don't have the same surname then?

"Nako hija, welcome ka sa bayan namin. Pumunta kayo rito ng ate mo bukas at may kaunting selebrasiyon." masayang sabi ni Tatay kay Alli.

"Thank you po." sabi ni Alli at yumuko.

"Ito naman ang anak kong si Rina hija—" hindi ko na pinatapos si Tatay.

"Magkaklase ho kami, tay." sabi ko.

"Ay ganun ba? Kung ganun ay welcome na welcome ka dito hija. Minsan lang may pumuntang kaklase dito ni Rina at tiga Maynila pa." bakas ang saya sa tono ng pagkakasabi ni tatay, masaya talaga sila ni nanay kapag may pumupuntang kaklase namin ni Aki dito sa bahay.

"Tay, ayain mo na silang magmeryenda." Pigil ko na kay tatay dahil baka magkwento na lang siya ng magkwento.

"Siya oo nga pala, tara sa hapag at magmeryenda." sabi ni tatay at tumango naman ang magkapatid.

Mabilis ko namang tiningnan ni Alli na nakatingin din pala sa'kin kaya mabilis ko ring iniwas ang paningin sa kaniya.

"Nay, nakita niyo ho ba yu—" papalapit na kami sa hapag ng biglang lumabas si Aki sa kwarto niya na dala dala ang notebook niya pero natigilan siya ng makitang may bisita.

"Oh nandito ka na naman? Tatay naman sabi ng inaaway ako niyan, huwag ka ng makipagkaibigan diyan." maktol niya, sino? Itong kapatid ni Alli?

"Wait wait. Ikaw ang umaaway sa'kin, ang sakit mo nga sa ulo e." sabi ni Ven.

"Aba paanong hindi ka aawayin e nangha—" hindi natapos ang sasabihin ni Aki ng pigilan na siya ni tatay.

"Tama na, Aki. Tara na at umupo na tayo may inihandang meryenda ang nanay mo." bigla namang kumalma si Aki at itinabi ang notebook niya sa tabi.

"Ganiyan talaga silang dalawa, laging nagbabangayan kapag nakikita ang isa't isa." iiling iling na sabi ni tatay. Hmm.

Natapos kaming magmeryenda ay agad kaming nag-ayos para mamalengke. Mamimili nga kami ng ihahanda ni tatay bukas.

When We Collided Where stories live. Discover now