•••••
"So for your marketing plan, it will be done by pair kung sino ang katabi niyo ngayon ay yun ang magiging partner niyo. Wala ng magpapalit ng partner, ang magpalit automatic zero. Understand?" inaantok akong napatingin sa sinabi ni Prof Garcia. Sabay sabay namang nag yes ang mga kaklase ko tsaka na umalis si Prof.
Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi ni Prof Garcia, inaantok ako dahil sa trabaho ko kagabi.
Nakahanap na kasi ako ng trabaho sa isang bar kung saan waitress ako. Malaki rin kasi ang dagdag sa overtime kaya nago-overtime ako lagi kaya lang ay lagi rin akong antok pagdating sa klase.
"Partner tayo." rinig kong sabi ni Alli kaya nilingon ko siya, tumango naman ako sa sinabi niya.
Sa loob ng dalawang linggo ay naging mag close na rin kami, palagi na rin siyang sumasama sa'ming magkakaibigan.
Nakaramdam naman ako ng pag-vibrate sa suot kong palda kaya kinuha ko ang cellphone ko doon.
Napangiti naman ako ng makitang nag-text si Liam, nasa labas daw siya ng room kaya dali dali akong tumayo at lumabas.
Matagal tagal na rin kaming hindi nagkikita dahil daw busy ito sa practice nila at naiintindihan ko naman yun.
"Mahal." masayang tawag ko sa kaniya per nangunot lang ang noo nito ng makita ako.
"Anong nangyari sayo? Mukha kang pagod, Cari." bungad niya sa'kin.
"Tingnan mo ymng uniform mo lukot lukot pa, ano bang ginagawa mo?" dagdag niya.
"May nahan—" hindi ako natapos sa pagsasalita ng magsalita na naman siya.
"Alam mo namang ayokong napapahiya sa mga tao dito. Ano na lang ang iisipin ng mga kaibigan ko 'pag nakita ka nilang ganyan?" napayuko ako dahil sa sinabi niya.
"Napuyat kasi ako sa trabaho hayaan mo at mag-aayos ako bukas, kamusta ka na? Matagal kitang hindi nakita namimiss na kita." akmang yayakapin ko sana siya ng bigla nitong itinaas ang kamay niya na nagsasabing wag siyang lapitan.
"Hindi mo man lang ba ako nami—" hindi ko naman natapos ang sasabihin ng biglang may tumawag sa'kin.
Nilingon ko naman yun at nakitang si Alli yun.
"You dropped your handkerchief, are you okay here?" sabi niya sabay abot ng panyo ko sa'kin. Napatingin naman siya kay Liam at nangunot ang noo.
"Wait, you're devi right?" biglang tanong ni Liam kay alli.
"Ah yes, why?" Takang tanong ni alli sa kaniya.
"I'm Liam btw, you're quite popular in this university now." sabi ni Liam at inabot ang kamay niya kay devi.
Bigla naman akong nalungkot, ako nga ay ayaw niyang hawakan kanina.
"It's okay I'm not a fan of shakehands." napatingin naman ako kay devi at siniko siya.
"Ano ka ba? Nakikipagkamay yung tao." bulong ko sa kaniya pero nagkibit balikat lang siya.
"Wait close kayong dalawa?" tanong ni Liam.
"Kinda." sagot ni Alli.
"Ah alli, si Liam pala boyfriend ko" narinig ko naman ang pag-tsk ni Liam ng pinakilala ko siya, bakit?
"Oh Am I disturbing you guys? Okay, pasok na 'ko sa room. Nice to meet you Liam." paalam ni devi at bumalik na sa loob.
Napatingin naman ako kay Liam na mukhang masama na ang loob.