09

1K 34 1
                                    

•••••







"Oh tubig." sabi ko sabay abot ng baso sa kaniya.

"Pwede ka ng umalis maya maya." dagdag ko.

"You're so rude. I came here to talk to you so talk to me." sabi niya at hinawakan ang braso ko para patigilin ako sa pag-alis sa harap niya.

"Ano ba? Sinabi ko na kaninang huwag mo kong hawakan." naiinis na sabi ko sa kaniya.

"Alright. Thanks for the water." sabi niya sabay inom ng tubig na bigay ko sa kaniya. Umupo naman ako sa katapat niyang upuan.

"What happened to you and to your asshole boyfriend?" biglang tanong niya, tinaasan ko naman siya ng kilay dahil sa sinabi niya.

"What? Don't raise your eyebrow to me, you do know that he's an asshole." dugtong niya. Well, tama naman siya.

"He broke up with me." nakayukong sabi ko, hindi ko din alam kung bakit ko sinasabi sa kaniya ngayon.

"Really? Siya pa ang may lakas ng loob na makipaghiwalay? Wow!" hindi makapaniwalang sabi niya.

"He's a total jerk, damn him!" naiinis na sabi niya, bigla naman akong napangiti dahil sa reaksiyon niya.

This is the first I saw her like that.

"Why are you smiling? I'm serious here, Carina." she said and pouted her lips, cute.

What? Anong sinasabi mo, Carina!?

"Sige na umuwi ka na." pag-iiba ko ng usapan.

"No, I'll stay here." sabi niya, ang kulit.

"Ang arte mo, Allison." sabi ko at pabiro siyang inirapan.

I don't what's happening, I'm supposed to be angry with her too.

"Let's go out." sabi niya, tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Saan naman?" tanong ko.

"Wherever you want. Just tell me, we'll go there." napaisip naman ako sa sinabi niya, maganda rin kung lalabas ako para ma-divert ang isip ko doon.

"Hmm Amusement park." sagot ko. Gusto ko kasi doon, matagal na kong di nakakapunta doon.

"Are you really sure?" paninigurado niya.

"Yeah, let's go." sabi ko at tumayo na. Kinuha ko ang bag ko at sinuot yun.

"O-oh right, let's go." sabi niya sabay tayo sa sofa. Nauna naman akong lumabas at sumunod siya. Mabilis kong ni-lock ang pinto habang siya ay inaantay akong matapos na i-lock yun.

Nauna naman akong maglakad sa kaniya at nakasunod siya sa'kin. Pagkababa namin ay nanlaki ang mata ko ng makitang may red sports car na naman sa harap ng apartment.

"Sa'yo 'to?" tanong ko sa kaniya na ikinatango niya.

"Yeah, I rushed while going here hindi ko na naisip kung anong sasakyan ang dadalhin ko kaya dyan ako sumakay." kakamot kamot sa ulo niyang sabi.

Pinagkakaguluhan na naman tuloy ang sasakyan niya.

"Excuse me po." sabi ko sa mga kapitbahay naming panay picture sa sasakyan niya.

"Nako Carina, makakasakay ka na naman dyan? Ang swerte mo talaga!" rinig ko na namang sabi ng mga kapit bahay ko ng makapasok ako sa loob ng kotse ni Alli.

"Where to?" Tanong niya sa'kin ng makapasok na din siya sa loob.

"EK." sabi ko na nginitian niya naman but she seems so nervous.

When We Collided Where stories live. Discover now