23

1.5K 48 12
                                    

23

•••••







"We used to play here." nakangiting sabi ko kay Alli ng mapadpad kami sa lumang park na pinaglalaruan namin noong mga bata pa kami.

Kanina pa kasi namin nililibot ang buong bayan hanggang sa umabot kami dito.

"This place is huge, bakit naabanduna?" tanong niya. I sighed.

"May nangyari kasi, pagkatapos ng nangyari na yun hindi na ulit binuksan itong park." sabi ko.

"What happened?" tanong niya.

"Two kids were abducted here, right here. Dito mismo sa kinatatayuan natin. Yung isang bata ay mayaman yun yung punterya nila gusto nilang manghingi ng pera sa mga magulang." inalalayan niya akong umupo sa lumang bench na nasa tabi.

"And yung isang bata?" tanong niya.

"It's me." sagot ko. Hinawakan niya naman ang kamay ko at pinisil yun.

"Nasama ako dahil nakita ko yung mga mukha nila. They don't want to get caught kaya dinamay nila ako." huminga ako ng malalim.

"Nakilala ko lang yung bata dito mismo sa playground tapos nadamay pa ako." sabi ko at nagfake ng tawa.

"Sinisisi mo ba siya?" tanong niya na inilingan ko.

"Hindi kasi makulit rin ako ng bata ako. I tried to save her from those men pero hindi ko nagawa." bigla namang nag-play ulit sa utak ko ang nangyari kahit bata pa ako non ay tandang tanda ko pa ang mga nangyari.

Flashback (Third Person's POV)

"Bitawan niyo siya!" isang mahihinang suntok ang natanggap ng lalaking hila hila ang batang kakakilala pa lamang ni Carina.

Kanina lang ay masaya silang naglalarong dalawa hindi maisip ng bata kung bakit sila nahantong sa ganoong sitwasyon.

"Help! Please help me!" sigaw ng batang hila hila ng lalaki ngayon. Puno ng pagmamaakawa ang maririnig mo sa boses niya dahil takot at sakit ng kamay niya aa kakahila ng lalaki sa kaniya.

"Kuya maawa na po kayo bitawan niyo siya!" naiiyak na ring pagmamakaawa ng batang Carina.

"Tumigil kang bata ka kung ayaw mong madamay!" sigaw ng lalaki. Palapit na sila sa sasakyan na dala ng lalaki at nandoon na rin ang mga kasama nito pero sunod pa rin ng sunod si Carina sa kanila at nagmamakaawang pakawalan ang batang kaibigan nito.

"Kuya!" sa hindi sinasadya ay malakas na nahila ni Carina ang lalaki at nahulog ito sa sahig sabay ng pagkahulog ng maskara na suot ng lalaki.

Biglang nanlaki ang mata ng lalaki at sa inis ay nasampal niya si Carina.

"Isama niyo yan!" sigaw ng isa pang lalaking nasa loob ng sasakyan, iyon na siguro ang boss nila.

Dali dali naman nilang binuhat si Carina at isinakay na rin sa sasakyan habang tod pumiglas ang bata.

Nilagay silang dalawa sa likod at tinali ang kamay at paa ng mga ito at nilagyan ng tape ang mga bibig.

Sa panahong iyon ay hindi na alam ng dalawa ang gagawin. Puro impit na iyak na lang ang ginagawa nila at pinag-abot ang kamay nilang dalawa.

Nang makarating sila sa isang maliblib na lugar ay sabay silang binaba ng sasakyan at  hinila papasok ng abandunadong gusali.

Puno naman ng takot ang nararamdaman nilang dalawa dahil sa murang edad ay nararanasan nila ito ngayon.

When We Collided Where stories live. Discover now