31

874 28 3
                                    

•••••








"Take care." she smiled then kissed my forehead.

"Sumunod ka ha." Nakangusong sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya.

"Of course, I'll just finish everything here at susunod na sayo." malambing niyang sabi na tinanguan ko.

"Sige na, baka maiwan pa ako ng bus." bigla naman siyang nagpangalumbaba. Gusto niya pa kasing ihatid ako pero tumanggi ako at baka mapano pa siya pauwi. Ang pangit pa naman ng daan papunta sa'min.

"Behave here, Allison." banta ko sa kaniya.

"I'm always behave, silly. Take care." she hugged me one last time and gave me a kiss on my forehead.

"I love you." nakangiting sabi niya sa'kin.

I gave her a quick kiss on her lips and smiled back at her.

"I love you. Papasok na ako. Ingat ka pauwi." sabi ko sa kaniya na tinanguan niya lang.

She waved her hand to bid me a goodbye. Hayy namimiss ko tuloy siya. Hindi bale ay susunod din naman siya.

Nag-flying kiss pa ito sa'kin at kumakaway habang nagsimula ng umandar ang bus at nakikita ko na lang siya sa bintana. Biglang namang may dumaan na matandang babae sa harap niya tsaka siya huminto kakakaway ng kamay niya. Natawa naman tuloy ako sa inasta niya.

Umupo ako ng maayos ng makalayo na ang bus sa terminal. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung anong sasabihin ko kina nanay at tatay.

Mahaba haba naman ang biyahe kaya pipikit muna ako, hindi na ako nakanakaw ng tulog kanina dahil nagmamadali na rin ako.

"Nanay!" masayang tawag ko kay nanay ng makita ko siyang nasa baba ng bus, kasama niya si aki pero si tatay wala. May inasikaso kasi siya sa lupang binigay sa kaniya ni Alli.

"Anak." nakangiti ako nitong sinalubong ng yakap.

"Ate." tawag rin ni aki sa'kin ng matapos akong yakapin ni nanay.

"Kamusta pag-aaral? Konti na lang susunod ka na sa'kin doon." sabi ko sa kaniya.

"Gra-graduate ng highest honor yan, Rina. Kaya wag kang mag-alala." sabi ni nanay sa'kin kaya nanlaki ang mata kong tiningnan si Aki.

"Totoo ba yun, Aki? Aba naman talaga tumatalino ka na ah." sabi ko sa kaniya sabay ginulo ang buhok niya.

"Ate naman matalino ako sa loob ng school paglabas hindi na." sabi niya at tumawa ng parang lalaki, loko talaga.

"Nako naman talaga, tara na nga at umuwi na baka nandun na si tatay." aya ko sa kanila tsaka kami sumakay sa tricycle.

Nakakamiss rin talaga ang hangin ng probinsiya. Naalala ko tuloy ang huling punta ko rito kasama si Alli.

Gosh I felt my cheeks burning in red everytime I'm thinking about her.

"Nay, anong oras ba umalis si tatay?" tanong ko kay nanay ng makarating kami sa bahay.

"E kaninang alas otso ng umaga. Maya maya ay nandito na rin siguro yun, antayin na lang nating siya." sagot ni nanay at kumuha ng tubig tsaka binigay sa'kin.

"Kamusta ka doon anak? Malapit ka ng grumaduate." tumabi si nanay sa'kin sa sofa tsaka ako hinarap at hinawakan ang magkabilang pisnge ko.

"Malapit na nga ho nanay, pag nakahanap ako ng trabaho madadala ko na kayo ni tatay sa maynila para sama sama tayo doon." malambing na sabi ko kay nanay.

"Anak naman, okay lang naman kami ng tatay mo dito atsaka may negosyo rin tayong inaalagaan dito hindi ba?" sabi ni nanay na nakapagpalungkot sa'kin.

"Pwede naman po tayong mag negosyo doon." sagot ko.

When We Collided Where stories live. Discover now