33

982 32 3
                                    

•••••







Sumapit ang gabi na hindi ako lumalabas sa kwarto ko pero hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin ang ingay sa labas.

Naririnig ko pa rin ang boses ng mga magulang niya na nasa sala.

Kinakatok din ako ni Aki kanina sa kwarto pero hindi ko sinasagot. Hindi ko kayang lumabas. Puro balikwas ang ginagawa ko sa kama dahil hindi ko pa rin alam ang gagawin.

"Carina..." napatingin ako sa pintuan ng kwarto ko dahil sa pagtawag niya sa pangalan ko.

"Can we talk?" tanong niya mula sa labas.

Hindi ako sumagot.

Tumayo ako sa kama ko at tumungo sa pinto. Binuksan ko yun at mukha niya agad ang sumalubong sa'kin.

God knows kung paano ko pigilan ang sarili kong masampal siya ngayon, it hurts.

"Talk? Halika mag-usap tayo." sabi ko at lumabas sa kwarto ko. Nakita ko naman silang lahat sa sala na gulat na gulat ng makita ako.

Hindi ko sila pinansin at naglakad patungo sa likod ng bahay. Ramdam ko naman ang pagsunod niya sa'kin hanggang sa makarating kami sa maliit na mesa dito sa likod.

Tumigil ako doon at niyakap ang sarili ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

My body flinched when her arms snakes around my waist. Pumikit ako para pigilan ang sariling mahulog sa yakap niya.

"What's bothering you? Please tell me, please." bulong niya habang yakap yakap ako.

"Bitaw." matigas kong sabi pero hindi niya yun sinunod kaya pwersahan kong inalis ang kamay niya na nakayakap sa'kin.

"Bitawan mo ko sabi!" Sigaw ko ulit, this time ay sinunod niya na.

"Why are you being like that? What did I do? Is it because I didn't text you yesterday? I'm sorry, I didn't mean that. I lost my phone nung pumunta ako sa school. I didn't know where it go-" hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Hindi mo alam kung saan napunta dahil nag-eenjoy ka sa kama ni Kiara." putol ko sa sasabihin niya.

"What?" naguguluhang tanong niya sa'kin.

"You know what? Stop lying, stop bothering me cause I'm breaking up with you!" sigaw ko sa kaniya.

"W-what? No! Why are you accusing me of such things? At anong nag-eenjoy sa kama ni Kiara? Can you please enlighten me?" sunod sunod niyang tanong sa'kin.

"Wow!" I gave her slow clap for such a wonderful acting.

"Totoo nga pala ang kasabihan na kapag nahuhuli, nagiging makakalimutin." sabi ko at sinamahan ko pa ng pagtawa.

"I'm serious, Carina. What are you talking about?" seryosong tanong niya.

"Well I've received a photo of you and that woman. At alam mo kung anong picture yun? It's you...." tumigil ako sa pagsasalita dahil nagbabadya na naman itong tumulo.

"It's you and kiara in one bed..." I gulped when I'm about to say that word.

"Naked." naguguluhan naman niya akong tiningnan. And there I lost myself again.

Niyuko ko ang ulo at doon binuhos ang luha ko.

"Carina..." mahinang tawag niya sa'kin at akmang hahawakan ako nang mabilis kong tinapik ang kamay niya.

"No..." umiling ako.

"Don't touch me..." humihikbing sabi ko sa kaniya.

"Listen to me first, love." she almost whispered. Inangat ko ang tingin sa kaniya and there she is, she's crying too.

When We Collided Where stories live. Discover now