08

1K 29 1
                                    

•••••










"What happened to you?" nag-aalalang nilapitan ako ni Zayren at sumunod naman yung dalawa papasok sa room.

Nasa labas kasi sila ng maabutan ko.

"Anong nangyari, Cari?" ulit na tanong ni Mia ng makaupo ako sa upuan ko.

Napatingin naman ako sa katabi ko at nakitang wala siya doon. Magkasama na kaya sila ni Liam?

"He broke up with me." mahinang sabi ko.

"Thank God!" biglang bulalas ni Yumi kaya pinalo siya ng dalawa.

Alam ko naman na sa una pa lang ay ayaw na nila kay Liam. Kaya naiintindihan ko sila kung ganyan ang reaksiyon nila.

"O-oh I'm sorry, I mean he's a red flag Cari. Lahat kami nakakakita non pero ewan ko ba sayo kung bakit nags-stay ka pa rin sa kaniya. But I'm not happy that you're like that right now okay?" pagpapaliwanag ni Yumi.

Yumuko lang ako.

"Shh it's going to be okay, hmm?" sabi ni Zayren sabay hagod sa likod ko. I will be okay.

Parehas naman kaming napatingin ng biglang may nagsara ng malakas sa pintuan ng room. Nakita naming si Alli ang kakapasok lang at nakakunot ang noo.

"Gosh mukhang hindi maganda ang mood ng mga tao ngayon." mahinang sabi ni Mia at bumalik na sa upuan niya ng pumasok ang Prof namin.

Tahimik namang umupo si Alli sa tabi ko at hindi ako nito iniimik, mas mabuti na nga yun. Ayoko rin siyang makausap muna.

"I'll send you home." napatingin naman ako sa sinabi niya, kakatapos lang ng klase namin at saktong uwian na.

"Hindi na, may trabaho ako." sagot ko sa pag-aya niya.

"Ihahatid kita doon." pagpupumilit niya.

"Okay lang ako." nilingon ko naman ang tatlo at mukhang naguguluhang tiningnan kaming dalawa ni Alli.

Nagpaalam naman ako sa kanila bago ako lumabas ng room.

Bigla naman niyang hinawakan ang braso ko kaya mabilis ko ring tinapik ang kamay niya.

"Huwag mo 'kong hawakan at huwag mo na ring ipilit na ihatid ako." diretsahang sabi ko sa kaniya na nagpatigil sa kaniya.

She was about to speak again pero umalis na ako sa harapan niya.

Nagpara ako ng taxi at agad na pumasok sa loob. Doon na naman bumuhos ang luha ko.

Kung tutuusin ay wala naman siyang ginawa sa'kin pero ang isiping siya ang nagugustuhan ng ex boyfriend ko ngayon ay nalulungkot ako.

Naging magkaibigan na kami at masakit din sa'king iwasan siya.

"Ineng kung ano mang problema ang kinakaharap mo ngayon ay 'wag kang susuko isipin mo na lang na isang malaking pagsubok 'to para sa iyo." napatingin naman ako kay manong driver ng magsalita ito.

Bigla ko namang naalala si tatay, ganyan din siya kung mag leksiyon sa'kin. Namimiss ko na sila nina nanay.

"Maraming salamat, manong." pagpapasalamat ko kay manong at nginitian niya naman ako.

Nang makarating ako sa The Tipsy's ay biglang sumalubong sa'kin ang secretary ni Ma'am Lou.

"Cari, sabi ni ma'am ay 'wag ka na daw munang pumasok." nagtataka ko namang siyang tiningnan.

"Ha? Tanggal na ba ako?" tanong ko sa kaniya.

"Nako hindi, pinapasabi lang ni ma'am na kapag dumating ka ay wag ka na munang pumasok at pauwiin na daw kita muna. Bumalik ka daw after three days."

When We Collided Where stories live. Discover now