17

1.2K 31 6
                                    

•••••








I was woken up by a tight hug. It feels like some kind of a stuffed toy is hugging me right now. Ang lambot. Ang bango. Ang sarap yakapin.

I slowly opened my eyes dahil nasisilaw ako sa sinag ng araw. I blurry saw Alli's smiling face kaya pinikit ko ulit ang mga mata.

Am I dreaming? Hindi panaginip yung pagpunta niya ng lasing dito kagabi?

Nilakasan ko ang loob at dumilat at tama nga ako nasa tabi ko siya at yakap yakap niya ako. Napatingin naman ako sa kamay kong napayakap din sa kaniya.

Muli ko ring na-realize na hindi ko pala siya nabihisan kagabi kaya naitulak ko siya palayo dahilan para mahulog siya sa sahig.

"Ouch!" sigaw niya at tsaka tumayo na hawak hawak ang likod niya. Tinakip ko naman ang kumot sa katawan ko at nag-iwas ng tingin dahil naka-bra nga lang siya.

"Ang sakit non, Cari. Aw!" Teka bakit ako ang nagtatakip? Dapat siya!

Hinagis ko naman sa kaniya ang kumot at tumayo sa kama.

"T-takpan mo yang sarili mo!" Sigaw ko sa kaniya pero ngumisi lang siya. Nameywang naman siya sa harapan ko kaya mas lalo akong nailang.

"Why?" nanunuksong tanong niya.

"Basta magbihis ka! Yan kumot takip mo sa katawan mo!" sigaw ko ulit na mas lalong ikinatawa niya.

"It's okay. We're both girls naman, sabi mo nga 'di ba? Straight ka. Unless you want to touch me, just ask my consent first—" hindi natapos ang sasabihin niya dahil binato ko na siya ng unan.

"Ang kapal mo! Meron din ako niyan kaya bakit ko hahawakan!?" naiinis at nahihiyang sabi ko sa kaniya.

"Mine is bigger than yours tho." mayabang na sabi niya kaya binato ko ulit siya ng unan.

"Yabang!" dali dali kong tinungo ang pinto at lalabas na sana ng bigla niya akong habulin at niyakap sa likod. Bigla naman akong naestatwa sa ginawa niya kaya halos hindi ako makagalaw.

"Tell me what's bothering you." bulong niya sa'kin.

"W-wala. Bitawan mo na ko." nauutal kong sabi sa kaniya pero hindi niya pa rin ako binibitawan.

"I know meron. You won't act like this kung wala lang." sabi niya ulit.

"How can you say that? You didn't even know me fully. Kung makapagsalita ka ay parang kilalang kilala mo na 'ko." sa sinabi kong yun ay may hinigpitan niya ang yakap sa'kin.

"Then let me know you. Gusto kitang makilala ng lubusan." she whispered again.

Umiling ako sa sinabi niya at pwersahang kumawala sa yakap niya. Hinarap ko siya at tinitigan.

"No. Wala kang mapapala sa'kin. Find someone na ka-match mo. Yung maganda, yung mayaman kagaya mo, yung kagaya ni Kia—" hindi ko tinapos ang sasabihin at tumalikod na at aalis sana ng pigilan niya ako ulit.

"Kagaya nino?" nanunuksong tanong niya, hindi ko siya sinagot.

"I think I knew already why are you acting like that. Is it about Kiara?" tanong niya.

"No! Paki ko naman sainyo kung magkasama kayong pumasok ng university, kahit magsama pa kayo araw-araw. Wala akong paki!" naiinis na sabi ko but she just smiled at me.

"What? Huwag mo 'kong tatawanan, Alli!" sigaw ko sa kaniya.

"That's it. Call me Alli. Not Devi but Alli." she smirked. Huli ko namang na-realize ang sinabi ko. Did I just lowkey confess that I am jealous?

When We Collided Where stories live. Discover now