18

1.1K 34 3
                                    

•••••







"Look at them." sabay sabay kaming napalingon nina Mia at Zayren sa tinuturo ng nguso ni Yumi.

It's Alli at sino pa ba e 'di si Kiara. Iniwas ko agad ang paningin sa kanila. Ayokong masira ang umaga ko.

"I think it's Kiara yung tinutukoy ni Devi na gusto niya, what do you think guys?" sabi ni Yumi. Chismosa talaga.

"I think no, look at Devi parang ilap siya kay Kiara and I don't know but I think she doesn't want Kiara to touch her." sabi naman ni Mia na nagpagaan ng kalooban ko.

"Well, tama si Mia. Devi seems not interested to Kiara." sabat naman ni Zayren at palihim akong tumango tango.

"Wait, papunta si Devi dito." bulong na sabi ni Yumi kaya bigla akong naalarma at biglang inayos ang sarili ko.

"Hey guys." rinig kong bati niya sa'min pero di pa rin ako lumilingon.

"Hey, Devi and Kiara haha." Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Yumi? The hell?

Agad ko naman silang nilingon at oo nga nandito din si Kiara. Aso yan girl? Sunod nang sunod e.

"Hi." bati niya sa'kin na tinanguan ko lang.

"Can we talk?" pahabol na tanong niya sa'kin.

"Devi, sabi ko mag-uusap tayo right?" biglang sabi ni Kiara sa likod niya. Nilingon naman siya ni Alli na parang nagulat pa.

"You're still here, Kiara? I'm sorry but I need to talk to Carina." sabi niya kay Kiara pero kumapit lang ito sa braso niya which made me lift up my left eye brow.

"You can talk later, let's talk first." sabi niya pero dali dali namang kinuha ni Alli ang kamay ni Kiara sa braso nito.

"No, I have a very important discussion to make with Carina. So please excuse us." sabi ni Alli at hinila ako patayo sa inuupuan ko.

"A-alli! Dahan-dahan nga!" sabi ko sa kaniya kasi kung makahila naman.

Sinunod niya naman ang sinabi ko at huminto.

"I'm sorry." sabi niya at hinaplos ang pisnge ko.

"Anong pag-uusapan natin?" Tanong ko sa kaniya but she was about to kiss me ng iniwas ko ang mukha sa kaniya.

"What are you doing?" halos pabulong na tanong ko sa kaniya.

"I miss you. Can't I have a kiss?" inirapan ko naman siya.

"Tumigil ka nga, Alli. Baka may makakita sa 'tin kung ano pa ang isipin." sabi at lumayo ng bahagya sa kaniya.

"So? Let them think what they want I don't even have a care." she doesn't care? Then what about me? Wala din ba siyang pakialam doon sa iisipin ko sa ginagawa niya?

Napansin niya naman ang pag-iba ng mood ko kaya nagtanong siya.

"May problem ba?" nag-aalala niyang tanong.

"What am I really to you?" I stared straight to her eyes when I asked that to her.

"Cari—" I didn't let her finish her words.

"Am I your go to girl na pwede mong lapitan and kiss whenever you want?" tanong ko ulit. Umiling siya and about to speak again pero pinigilan ko siya.

"Just please stop doing it. Please." huling sabi ko sa kaniya bago ko siya talikuran.

She can't just kiss me and tell nothing. She can't do that like I was just an easy prey for her.

"Oh anong pinag-usapan niyo?" Bungad na tanong ni Yumi sa'kin ng makabalik ako aa kanila.

When We Collided Where stories live. Discover now