22

1.2K 37 4
                                    

•••••







"Ate!" tawag ni Aki sa'kin ng makapasok ako sa bahay at hinila ako papasok sa kwarto niya.

"Magkwento ka sa'kin dali!" bigla namang nangunot ang noo ko sa kaniya dahil parang kinikilig pa siya.

"Tungkol naman saan? Sa school ba?" tanong ko sa kaniya na mabilis niyang inilingan.

"Ate naman kasi! Nakita ko kayo ni ate alli—" biglang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at mabilis na tinakpan ang bibig niya.

"Anong nakita mo?" tanong ko sa kaniya.

"hmmm...mmm..." sabi niya at tinuturo ang kamay ko na nasa bibig niya, mabilis ko namang kinuha yun.

"Sa labas kanina, e magsasarado sana ako ng bintana ng makita ko kayo na nagh-hahalikan hindi ko naman sinasadyan ate e! Hindi ko naman kasalanan kung nagharutan kayo sa laba—" hindi ko na siya pinatapos magsalita at hinila siya paupo sa kama niya.

"Akala ko magk-klase lang kayo, ate? Girlfriend mo ba siya ate? The last time I know hindi ka naman bisexual or lesbian, straight ka pa nga sa ruler e." nasapo ko naman ang kamay sa noo ko.

"I didn't even know kung kailan 'to nagsimula, Aki. Basta ang alam ko I e-enjoyed those kisses that we've s-shared." nahihiyang sabi ko, wala na rin naman ako maitatago dito sa kapatid ko.

"Kyah! Ate kinikilig ako sa inyo. Sobrang bagay kayong dalawa ni Ate Alli— ay nakalimutan ko hindi ba ay may kinIkwento ka sa'kin noon na sino ba yun Liam?" napabuntong hininga ako sa ainabi ni Aki.

"Break na kami. Hindi siya worth it. He actually confessed his feelings to Alli, Alli rejected him tapos ngayon gusto niyang makipagbalikan sa'kin. Nakakainit ng ulo." sabi ko.

"Aba ay akala niya naman napakagwapo niya e wala pa siya sa kalingkingan ni Ate Alli." naiinis na ring sabi ni Aki. Mukhang alam ko na kung saan ang panig niya.

"Pero ano na nga ba ang relasyon niyo Ate?" sa tinanong na yun ni Aki ay napayuko ako.

"I actually don't know." halos pabulong ko ng sabi.

"We didn't clear it to each other. Kapag mag-uusap kami about us parang laging may kontra. The last time na sabi niya ay mag-uusap kami. Liam kissed me and she saw it hindi na rin ako nakapag-explain sa kaniya dahil nakita kong kasama niya yung president ng student council. After that we started avoiding each other ngayon na lang kami nagkausap ulit." sabi ko, Aki tapped my shoulder.

"Ate alam kong gusto ka rin ni Ate Alli kailangan niyo lang mag-usap. Maglalabas ba ng milyon yun kung hindi ka gusto?" hinampas ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Nagpapalakas yun kay tatay, ate." dagdag niya.

"Bakit hindi niya na lang sabihin sa'kin agad? Gusto ko rin naman siya." sabi ko at yumuko.

"Ate naman! Mag-usap kayo kapag hindi kayo nag-usap baka maunahan na kayo. Kayo din, bahala kayo diyan." I sighed.

"Aki, huwag mo munang sabihin kina tatay at nanay ha? Alam kong mahirap sa kanilang tanggapin yun." sabi ko.

"Oo naman ate, makakaasa kang hindi ako magsasalita kina nanay." sagot ni Aki kaya agad ko siyang niyakap.

Pagkatapos naming mag-usap ni Aki ay dumiretso na ako sa kwarto ko. Si Alli naman ay pinauwi ko na kanina at ayaw pa ngang umuwi pero napilit ko rin.

Humiga ako sa kama ko at bumuntong hininga. I really want to talk to her sana bukas ay wala ng hadlang para kausapin ko siya. We really need to talk.

Nagising ako kinabukasan ay naabutan ko si nanay na nasa kusina at nagluluto ng agahan.

When We Collided Where stories live. Discover now