19

1K 35 4
                                    

•••••






Lumipas ang ilang araw na hindi ako pinapansin ni Alli, ganun din naman ako sa kaniya. Hindi ko alam kung paano siya kausapin gayong lagi kong nakikitang laging nakasunod si Kiara sa kaniya.

It's saturday at naisipan kong umuwi sa probinsiya dahil bukas na ang birthday ni tatay. Mabuti na rin yun at makalanghap naman ng sariwang hangin. Ang aga ko ngang nagising dahil gusto ko ay maaga akong maka-uwi sa probinsiya.

Nasa bus na ako ngayon at nag-aantay na mapuno ang bus bago yun lumarga. Mahigit 30 minutes na nga akong nag-aantay dito at isang pasahero na lang ang need at yung katabing upuan ko na lang yung wala pang sakay.

"Oh larga, larga!" Sigaw ng konduktor na sign na aalis na ang bus. Napansin ko ring may umakyat na sa bus kaya tiningnan ko kung matanda ba ang sasakay para maalalayan ko pero biglang nanlaki ang mata ko ng makitang si Alli ang papalapit sa pwesto ko.

What the hell!? Ang dami niyang sasakyan tapos nandito siya biglang makikita kong nagco-commute? At anong gagawin niya sa probinsiya? Anong trip nito?

Hindi ako umimik ng makaupo siya sa tabi ko at hindi na rin ako nag-abalang magtanong. Nagpanggap na lang akong hindi siya napansin at hindi na ako gumalaw pa.

"You can move." napatingin ako sa kaniya ng sabihin niya yun.

"Gumagalaw ako." sagot ko at iniwas ang tingin sa kaniya.

"You want cookies?" tanong niya sa'kin pero mabilis ko iyong inilingan.

"Mahaba haba ang biyahe, have you eaten your breakfast?" Tanong niya ulit pero hindi ko na siya pinansin.

"Here. Have some." sabi niya sabay abot sa'kin ng chocolate cookie na hawak niya, hindi ko naman yun pinansin ang nilipat ang paningin sa labas ng bintana ng bus.

"Tss stubborn." bubulong bulong na sabi niya at hindi na rin ako inistorbo.

It's been how many days she's been avoiding me tapos gaganyan ganyan siya? Kahit hindi ko aminin ay alam ko sa sarili ko na sobrang miss ko siya. I miss her soft voice, her smiles, and... her kisses.

But damn it, wala akong magawa kasi sino lang ba ako? I am nothing to her. I'm just her normal classmate who she can kiss easily.

"Hey, are you c-crying?" biglang tanong ng katabi ko sa'kin kaya pilit kong itinago ang mukha ko sa kaniya. Fuck bakit ngayon pa?

"I'm not, napuying lang." sabi ko pero mahina lang itong tumawa.

"No, paano ka mapupuying e air-conditioned itong bus at sarado lahat ng bintana?" tanong niya pero hindi ko na yun pinansin. I don't want to talk to her.

"Hey tell me why. Did I do something wrong?" sabi niya sabay hahawakan sana ang kamay ko ng tinapik ko ang kamay niya palayo.

I don't want to have any physical contact with her. Nawawala ako sa sarili ko everytime she touch me.

"Just stop bugging me. Pretend that we didn't know each other just like these past few days." sabi ko na ikinatahimik niya, iniwas ko na rin ang paningin sa kaniya at tumingin na lang sa nadadaanan naming lugar sa labas ng bintana.

Ilang minuto lang ang nakalipas ng marinig ko siyang magsalita ulit.

"Did you two got back to each other?" tanong niya kaya napalingon ako sa kaniya at tiningnan siya ng may pagtataka. Nakita ko naman siyang nakatingin din sa'kin.

"You and Liam." sabi niya. Napalunok ako.

"He kissed you." I saw how her jaw clenched when she said those words.

When We Collided Where stories live. Discover now