Page 2

7K 175 29
                                    

Morgan Grace

"Ang dami mong time gumala ngayon ha" pang-aasar ko sa kaibigan ko.

Mabilis itong lumingon sakin at pabirong nag roll eyes.

"Grabe, just because puro ako aral dati, akala mo hindi na ko magkakaroon ng time gumala"

"Well, ikaw naman ang masipag mag aral sating dalawa, ako ay busy lang makakuha ng pasadong marka" sagot ko, bago tumingin sa labas ng sasakyan kung saan tanaw ko na ang nagtataasang gusali ng maynila.

"Palibhasa, sure na sure ka ng mapapangasawa mo si David. Sureball na hindi mo na need mag work kasi super yaman ng pamilya nya" pang aasar sakin ni Mariya.

"Hoy! Hindi ko sya gusto dahil mayaman sila, si David talaga, unang kita ko pa lang sa kanya, sure na kong sya mapapangasawa ko"

Muling tumawa ang kaibigan ko. Sya ang nagda drive ngayon, sinundo nya lang ako para lumabas dahil dalawang linggo na akong nagmumukmok sa bahay namin dahil pa rin doon sa resulta.

"I am just teasing you" she cleared her throat. "Noon pa man, naiinggit na ko sa relationship nyo"

"Ikaw naman kasi, ang dami-daming nanliligaw sayo, lahat binasted mo"

"Diba sabi ko naman sayo, pag gusto ko, doon lang ako sa gusto ko"

"Sino nga ba yung lalaking iyon? Yun yung sa engineering department ba? Ha?" pagtatanong ko sa kanya.

She just smiled and shook her head.

"Matagal na yun, okay naman na ako, masaya naman ng single, atsaka may asawa na yun no"

"What?! Ang bagal mo! Kung sinabi mo sakin kung sino yan, malamang natulungan pa kita!" sabi ko dito.

Nung highschool at college kasi ako, mahilig ako mag play cupid at match make ng mga kaibigan at classmates ko.

"Hayaan mo na, okay na yun" Mariya said in a low tone.

I felt bad para sa kaibigan ko. Ako, masaya na at settled as a happy wife, pero sya, she looks happy pero I feel na may kulang sa kanya.

"Okay, pero nandito lang ako palagi for you, okay? Kapag may kailangan ka let me know" I told her.

She looked at me and smiled a little.

"Oo nga pala, bakit naisip mo na dumaan sa office nila David?" tanong ko dito, niyaya ako nitong lumabas and she suggested na dumaan na kami sa office ng asawa ko bago mag mall at lastly bumalik sa OB ko para makita yung result ng overall check up ko.

Nag decide ako magpa check na to see if may problem ba sa akin, why I am having trouble getting pregnant and to prepare na din sa mga alternative ways na iti take namin ni David to conceive.

"W-well, alam ko namang kahit saglit lang kayong magkahiwalay ni David eh, namimiss mo na agad, kaya idadaaan na muna kita doon- atsaka ayaw mo ba makita ang mister mo?"

I giggled because of her thoughtfulness.

"Tama ka dyan, I miss David, and I miss going to the office"

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon