Page 30

4.5K 205 67
                                    

Morgan Grace Mendoza

"Be my woman?" I muttered to myself. Friday ngayon at lulan ako ng bus pauwi sa bahay namin. Kahit gabi na ay bumiyahe na ako pauwi sa amin.

Habang nasa biyahe ako ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni David. Is he crazy? Ganoon na ba kababa ang tingin nya sa akin to offer me na maging side chick nya lang?

Na offend ako pero higit sa lahat nasasaktan ako. He used to value me so much, pero ngayon daig ko pa ang isang pokpok sa paningin nya. Hindi ko din maintindihan na kahit na anong ginagawa nya, sa utak ko humahanap ako ng valid na dahilan para intindihin sya.

Often I will blame myself, I lied to him, he was my husband, I should've just told him the truth nung akala kong mamamatay ako pero that time I wasn't sure if he will be able to handle it.

Iniwan ko nga sya pero, hindi lang naman sya ang nahirapan. It was hard dahil dinisown ako ng mga magulang ko, I had to live with the help of other people, I had to survive on my own at higit sa lahat, ginawa ko ang lahat para itaguyod ang anak namin hanggang ngayon.

Selfish ba ako kung gusto kong protektahan ang sarili ko sa another backlash from him kapag nalaman nya na may tinatago akong anak sa kanya?

Masama ba akong tao kung ayoko lang masaktan ang anak ko dahil may tyansang hindi na naman sya maniwala at sa kalagayan ni Samuel ngayon, hindi ko gugustuhing marinig nya mismo sa sariling ama nya na hindi sya kinikilala nito.

Huminga ako ng malalim.

When he offered me that mabilis ko syang tinanggihan at tinalikuran. I didn't even care kung paano ang pera pero luckily the next day ay ibinigay din sa akin ang commission ko.

600k is a big amount, enough na ito para magresign ako sa trabaho at ituloy na ang pagalis namin nila Samuel papuntang UK.

Kaya ito ako ngayon, sinunod ko na ang gusto ni David, nagresign na ako at uuwi na para maihanda na ang kailangan namin.

I am doing my team and David a favor. David will no longer relive the past dahil yun ang nangyayari tuwing makikita nya ako, on the other hand naman, mas magkaka chance ang team ko na manalo lalo na't halos patapos na sila sa proyekto.

Ramdam ko ang pagsakit ng puso ko dahil kahit sinasabi kong ito ang tama, hindi pa rin maalis sa sarili kong malungkot dahil kailangan ko na talagang mag move on sa dati kong asawa.

Biglaan lang ang pagreresign ko, even sila Patricia ay hindi ko na sinabihan, sa mga boss ko na lang sa agency mismo ako nagsend ng email at nagpaalam. Pinatay ko na din ang cellphone ko dahil gusto ko munang mag isip ng maayos at mag focus sa kung ano at sino ang mahalaga.

Lahat naman ng bagay ay gagawin ko para kay Sam.

-----

Tahimik na ang paligid dahil malalim na ang gabi ng makarating ako. Tahimik kong binuksan ang main door, doon ko narinig ang bukas na TV.

"Ate uuwi ka pala ngayon hindi ka nagsabi" bungad ni Annie na tumayo para salubungin ako, mabilis nya akong tinulungan sa mga bitbit ko.

"Nagresign na kasi ako" sabi ko.

"Ha?" napatayo si Manang Tessie. "Eh diba sinabi mo may tinatapos ka pang project?"

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon