MORGAN GRACE
"Ako ng bahala ate, wag ka na pong mag-alala" sabi sakin ni Annie.
"Ayoko na talagang umalis pero kung mag i stay ako dito ay mauubos lang ang funds natin, kailangan ko pa ding kumita ng pera" I told her.
"Naiintindihan naman ni Samuel yan ate" she told me.
I brushed my son's hair at malambing syang tinitigan.
"Si Saint, dadalaw yun palagi, he will check on Sam" bilin ko.
"Ako ng bahala sa poging doktor ate" nakangiti nitong sabi.
"Loka-loka, bakla yun"
"Baka ako ang magtuturo sa kanilang maging lalaki" biro pa ni Annie.
"May asawa yung babae" I told her bago tumawa.
"Ay pass" she told me bago humalakhak.
I gave Samuel a kiss bago ako nagasikaso para makabalik sa Maynila.
-----
Almost 5AM na ng makarating ako ng Maynila.Buong weekend akong nag stay doon para alagaan si Samuel hanggang ma discharge sya at maaga akong aalis para makabalik pa Maynila. Nag aalala din kasi hindi responsive sakin si Patricia.
I feel so exhausted dahil hindi rin naman ako nakapagpahinga kakabantay kay Sam.
Since 6AM ay nagpapapasok na sa JS, ay pumasok na ko kahit 8AM pa ang pagdating ng lahat.
Ano kayang nangyari sa presentation nila?
Mabilis akong tumayo ng makita kong papasok na si Patricia. She looks so stressed.
"Pat" I called her, nagulat naman ito ng makita ako.
"Morgan, okay na ba si Samuel, kamusta sya? Bakit bumalik ka agad?"
"Sam is okay right now, kaka discharge nya lang, I have Annie and Saint looking after him, kailangan kong bumalik agad, alam mo naman, I cannot afford na mabawasan ang sweldo, we need all the funds, lalo na ang commission na ito"
Bumagsak ang balikat nya.
"Pat, why anong problem?" I asked her.
"Galit na galit si Sir David nung bigla kang umalis last Friday, hinanap ka nya, hindi ko naman sinabi yung tungkol kay Sam kasi diba kabilin-bilinan mo na wag i bring up yung junakis mo pag work related thing"
"Salamat Pat"
"Pero ayun nga, pinagpresent nya kami and up until now hindi namin alam yung result, pinatawag na si Ma'am Angela, alam ko na ngayon ang dating nya"
"Okay, I will explain na lang kay Ma'am what happened, believe me, ayoko naman talagang umalis pero anak ko kasi yun"
"Ano ka ba, naiintindihan kita ano!"
Time passed by slowly for me, hindi ko maintindihan ang kaba ko kaya nung sumenyas si Patricia sa akin na ipinapatawag na ako sa meeting room ay mabilis akong tumayo.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...