Page 34

4.1K 154 29
                                    

Morgan Grace Mendoza

Hindi ko alam pero nauna pa akong dumating kay David sa bahay namin, bahay nya pala. 

Dahil kilala naman na ako ng mga guards ay nakakapasok na ako ng dire-diretso.

As usual, wala na namang laman ang ref nya. Ano kayang lulutuin ko? Nagugutom na ako.

Naupo muna ako sa sala at payapang pinagmasdan ang buong bahay. Iilan lang ang mga nabago dahil may mga nadagdag na gamit, wala na din ang photo namin ng kasal sa sala.

Hindi ko napansin pero nakatulog na pala ako. Nagdilat lang ako ng maramdaman kong may nakatingin sa akin. Inayos ni David ang pagkakaupo nya at maski ako ay napabangon ng bigla.

Nakakahiya, pano kung tumulo ang laway ko? Nakanganga ba ako kanina?

David is just wearing his polo na nakatiklop hanggang siko nya. Hawak nito ang cellphone nya at tila may binabasa dito.

"Dumating ka na pala" I told him, tumango lamang ito. "Pumasok na ako kasi-

"It's okay, you don't need to explain? Pagod ka?" he asked bago tumingin sa akin.

"Medyo lang, nag outdoor shoot kasi kami today"

"Magpahinga ka muna, just leave your phone and laptop on, ako na ang magla login" he told me.

"Hindi, ayos lang, gusto mo bang magluto ako, kaso wala kang stock" I offered.

Tumayo ito at lumapit sakin, dahan-dahan nyang itinulak ang ulo ko para bumalik ako sa pagkakahiga.

"Take a rest, ako ng bahala" he told me.

My heart skipped a beat. I've always liked that words, yung "ako ng bahala" kasi iba yung pakiramdam na, alam mong you can rely on someone.

Iniwan nya na ako sa sala, hindi ko alam kung saan sya pumunta pero ng makarinig ako ng ingay sa kusina ay tumayo na ako.

Sumandal ako sa hamba ng kusina habang tahimik na pinapanood ang likod ni David. He's busy chopping something at punong-puno ang kusina ng grocery.

"I told you to take a rest" kamuntikan akong matumba sa gulat ng bigla syang magsalita, mabilis akong umayos ng tayo ng tumingin ito sa akin.

Jusko Lord, ganito ba talaga ka hot pag ex na? He looks so good lalo na ngayong naka unbutton ang ilang butones ng polo nya, he's wearing a waist apron at may iilang butil ng pawis sa mukha nya. Tngina ang gwapo lang talaga.

Morgan, naku maghulis dili ka dzai! Sya ay pagsubok lamang at kailangan mong lampasan!

Umubo-ubo ako para matanggal ang bara sa lalamunan ko.

"Nag grocery ka?" I asked him, he nodded bago tumalikod at bumalik sa ginagawa. "You don't like doing grocery" mahinang komento ko.

"And you don't like a house that doesn't have stocks" sagot nito, nanatili pa din syang nakatalikod kaya malaya ko syang napapagmasdan.

Pinigilan ko ang sarili kong ngumiti. Naalala nya pa din ang mga ayaw ko. Did he really do grocery shopping para lang sakin?

"Nagluluto ka?" tanong ko, lumapit ako ng bahagya sa kanya, humarap ito sa akin kaya napahinto ako, ilang dipa na lang ang layo namin.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon