Page 26

6.7K 215 70
                                    

MORGAN GRACE

"Grabe Morgan, humaling na humaling yung si Sir Melvin sayo" sabi sakin ni Joan, isa ring VIP waitress.

Kakatapos lang ng shift namin at mag uumaga na ngayon. Tumutulong ako sa paglilinis ng bar dahil dagdag sahod ulit yun.

"He is very touchy ano?" tanong ni Rachelle. Nakasimangot akong tumango. "Hayaan mo na, madatung naman yung si tanda!"

I just nodded at nagtuloy sa pagpupulot ng bote sa dance area namin.

Nasa bar na naman kasi yung Sir Melvin na yun, at walang ginawa kundi akbayan ako o pasimpleng padaanin ang palad nya sa hita ko. Gusto ko na lang minsang suntukin pero kapag natanggal pa ako dito, hindi na talaga ako makakabawi sa mga araw na nasuspinde ako.

Ito ang Day 2 ng suspension ko, sa umaga ay pumayag ang manager namin na mag fill in ako kapag may waitress silang absent or short staff sila, sa umaga kasi ay sarado ang bar pero bukas ang restaurant. On call nga lang, hindi araw-araw na may pasok.

Papa-angat na ang araw ay naglalakad na ako pauwi, napagod ako ngayong araw mentally dahil hindi ko maisip na aabot ako sa point na ganito, na tatanggap ako ng ganitong trabaho, na kakailanganin kong magpakapagod para lang mabuhay kami ng anak ko. I mean, I used to live like a princess pero just because I trusted and believed my so called bestfriend, here I am.

Not that I am complaining, I just really hope na maayos at magandang buhay ang naibibigay ko kay Samuel. He has a billion dollar worth dad na hindi naman kami parte ng mundo.

----

That afternoon ay nag stay ako sa kapehan across our building, dala ko ang laptop ko at nage edit ng additional details para sa final phase ng project namin.

Kahit pa hindi bayad ng kumpanya ang sahod ko, hindi ko gustong pabayaan ang team ko. We do an honest and diligent work at isa pa we put a lot of our effort and brain juices para sa campaign na ito kaya naman naniniwala akong kami ang mananalo.

Maaga ang pasok ko sa bar mamaya, needed ng dishwasher kaya naman kinuha ko na, maghuhugas lang naman ng plato.

Napatingin ako ng may mag chime sa entrance ng coffee shop, pag-angat ko pa lang ay mabilis akong nagbawi ng tingin at isinarado ang laptop.

Kakaisip ko ata sa hinayupak kong ex-husband, ay nagtulak sa kanya para pumunta dito.

Nakita kong papalapit si David or in assume ko na papalapit sya kaya mabilis akong tumayo bitbit ang gamit ko at nilampasan sya.

Makauwi na nga lang, mamaya makita nya pang tinutulungan ko ang team ko at dahil sa galit nya sakin ay madamay na naman sila.

Tirik ang araw, walang sakayan dito unless mag book ka ng grab. Lalakarin ko na lang ang condo namin dahil bukod sa tipid na ay maganda pa sa health ko.

Gumilid ako ng maramdaman kong may paparaan na kotse, pero nainis ako ng makitang mabagal ang takbo nito na tila sinasabayan ako.

Nakasimangot akong bumaling only to see David smiling at me.

"Ms. Mendoza, good afternoon" he greeted me na para bang wala lang lahat ng panggagago nya sa akin.

"Alam mo sir, tutal naman suspindido pa ako at technically hindi kita amo currently, walang good sa afternoon kung ikaw ang nasa harapan ko"

Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nagpatuloy din sya sa pagsabay sakin while driving his Royce.

Huminto ulit ako at humarap sa kanya.

"What?!" inis kong baling dito.

"Didn't you like getting suspended, you have a lot of time, you can go dating" pang aasar nito sakin.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon