Morgan Grace Mendoza
"Happy Birthday Sir Greg!" everyone cheered that is in the resto-bar sa lalaking katabi ko.
"Thank you, thank you everyone! I am really happy to celebrate with you all tonight lalo na't sumama tonight to celebrate with me ang pinakamagandang babae sa buhay ko" Greg looked at me, naramdaman ko ang braso nito sa bewang ko pero dahil nasa harapan kami at maraming nakatingin ay hindi ko maalis yun dahil mapapahiya sya.
I didn't really want to go because I feel nauseated but Patricia insist that I go, obviously she doesn't know my condition at ako ang hininging regalo ni Greg sa kanya, I mean, my attendance.
I faked a smile as everyone applaud. Nahinto ang palakpakan ng pumasok si Monique at mga staff nya but I wasn't surprised at that, kasunod nitong pumasok silang dalawa.
"Hi Sir Greg, thank you for inviting us, I hope you didn't mind, I brought our bosses with us, Ma'am Mariya and Sir David" Monique announced.
Mariya stood there wearing a red dress, smiling proudly habang naka angkla ang kamay sa braso ni David. Nagtama ang paningin namin ni David, there's no emotion in his eyes, nanatili ito sa mukha ko bago dumako sa kamay ni Greg na nasa beywang ko.
"Ma'am Mariya, Sir David, welcome po, I am very honored to have you both" Greg finally let go of me para lumapit sa dalawa. Bumeso ito kay Maria who greeted her a happy birthday.
"Hope you're having a happy Birthdays, though you don't need it, it seems like you're having a great time already" diretsong sabi ni David.
"Eh kung sasagutin lang sana ako nitong si Morgan tonight eh, ako na ang magiging pinakamasaya" sabi ni Greg bago ako nilingon.
"OMG, are you guys dating? Congratulations in advance, Morgan" feeling close na sabi ni Mariya sakin.
Lumapit sa gilid ko si Patricia at bumulong.
"Ano yan? Feeling close? Titinidurin ko yang ahas mong kaibigan"
Hindi na lang ako nag comment at ngumiti ng alanganin.
"Tuloy kayo, ayun yung mga food, magsisimula na din kaming kumain bago uminom" sabi ni Greg. "Everyone, let's eat na and DJ, music please!"
Dumagundong ang malakas na tugtog na mas nagpasakit ng ulo ko. Makahanap lang ako ng chance ay uuwi na talaga ako. Kanina ay masama lang ang pakiramdam ko pero ngayong dumating ang dalawang ito ay bumigat ang loob ko.
Naalala ko na naman ang argument na nangyari sa amin last week, malinaw pa sa pandinig ko kung paanong sinigawan ako ni David para mag apologize sa babae nya.
I sat down sa isa sa mga table, luckily ay ako lang ang nandoon dahil lahat ay busy sa pagkain, umiinom na or sumasayaw sa dance floor.
Saglit akong napalingon sa buffet area kung nasaan si Mariya at David. David gave her a plate, it looks so sweet kaya naman nagtilian at tinukso sila ng mga tao doon. Nag iwas na lang ako ng tingin.
Akala ko tapos na sila, akala ko nung ginusto nya akong makasama ulit, it was a chance, yun pala, kaya pagiging kabit lang ang in offer nya sakin kasi sila pa din, and they are even bound to marry each other.
I feel stupid for still loving the same man who didn't even choose me before and who won't even choose me now. He just need someone to laid on while his fiancee was out of the country and I fucking filled that role!
May naglapag ng plato sa lamesa sa harap ko. I immediately wanted to vomit dahil sa mabahong amoy nito. Mabilis na tumabi sa akin si Greg, ipinatong nito ang braso sa sandalan ng upuan ko, hindi ako mapakali at tatayo na dapat dahil hindi ko makaya ang amoy ng sibuyas.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...