Morgan Grace
Nauna na akong lumabas sa mga staff ko dahil for sure, unahan na naman sa elevator.
Nagdecide na lang akong maghintay sa labas ng building.
I don't know why I still care so much for that man, he didn't even bother to believe me. We have been together for years pero hindi nya man lang inisip kung bakit ko nagawang magsinungaling sa kanya. I thought I was dying, I just didn't want to leave and break him, pero grabe maglaro ang tadhana, I ended up breaking myself.
Sabi nga ni Saint, I fucked my own life.
I just didn't expect for both of us to fall into Mariya's play. I trusted my so called bestfriend so much at sya naman ay nag move forward at naniwala ng husto sa babaeng iyon.
I am just so thankful na ang anak ko ay hindi tulad ng mga tipikal na bata. Anything that has to do with his father ay wala syang pakielam.
David abandoned us, we should no longer hold him back. He moved on, kami rin ng anak ko.
"Ms. Morgan!" napalingon ako sa tumawag sakin.
"Uy Jonathan, pauwi ka na din ba?" I asked David's assistant.
"Yes miss-
"Morgan na lang, wala naman na tayo sa opisina"
Kumamot ito ng ulo at tila nag aalangan.
"Ah okay, uuwi ka na din ba?"
"Hindi pa, lalabas kami ng team ko, pupunta kami ng bar, gusto mo bang sumama?" tanong ko dito.
"Naku wag na, nakakahiya naman"
"Ano ka ba, okay lang yan, for sure matutuwa yung mga yun dahil may bagong kasama"
Ngumiti ito sakin.
"Sige, salamat Ms- ay Morgan, salamat"
I just nodded at him.
"Morgaaaaaaan! Tara na, inom na inom na ako!" malakas na sigaw ni Patricia, kasunod nito ay ang mga naghihiyawan naming staff. "OMG, ang assistant ni Sir David" gulat na sabi ni Patricia ng makalapit ito at makita si Jonathan.
"Sasama sya satin tonight" deklara ko sa mga kasama namin. Kumaway naman si Jonathan sa kanila.
"Oooh, I can't say no to this handsome guy" malanding sabi ni Patricia. Awkward namang ngumiti si Jonathan dito.
Marami-rami ng tao nung makarating kami sa bar, in-occupied namin yung isang area ng bar. The moment we sat down ay nagtuloy-tuloy na ang buhos ng alak.
Hindi ko naman talaga hilig ang uminom pero lately sa sobrang exhausted at stress ko sa work ay hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pag shot ko ng alak.
"Ms. Morgan, ay nahihirapan po talaga ako na tawagin kayong Morgan lang, hindi yata ako masasanay" sabi ni Jonathan bago nagkamot ng ulo.
"Bahala ka, itawag mo ang gusto mo" sabi ko na lang bago tumawa. Nakaupo ako sa tapat nito at katabi naman nito si Patricia na nakatulala lang sa lalaki.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...