Page 15

4.4K 148 18
                                    

Morgan Grace

"Mama, hindi mo pa naro roll yung dice mo" sabi sakin ng anak ko na naghihintay na ngayon.

"Sorry I spaced out, may iniisip lang" I told him at bumalik sa nangyari after namin makabalik mula sa Maynila.

Hindi ako makapaniwala, isang beses lang akong lumuwas pa Maynila, ay nagkita agad kami ni David at sa pangalawang beses na pagbalik ko ay kliyente pa namin sya.

And now he's coming to get even with me? I mean what for? Why? He should be happy, he got rid of me, of us! Bakit parang ako pa ang may kasalanan sa kanya.

"We are taking the JS Group as a client, they will be our biggest client if ever they are happy. Gusto ng CEO natin na i make sure na magiging maayos at masaya ang JS Group sa project na ito"

Naging sunod sunod ang mahinang pagdighay ko, hindi ko alam kung dahil sa kaba ba ito dahil napasobra ako ng kape at inaatake ako ng acid. Hindi naman talaga ako nagkakape pero ever since naghiwalay kami ni David, I found comfort on doing things na hindi ko ginawa or kinakain noon. Before para sa akin, it is my way of defying David kasi hindi din nya talaga ako pinagka kape dahil nga malakas maka acid pero ngayon, nakasanayan ko na ata.

"Mama, gusto mo bang sumama na lang ako sa Manila sayo?" Samuel asked.

"No, it's okay baby, may tatapusin lang na project si mommy doon, after nun, we will be able to fly to UK" I told him. "It's your turn to play baby"

Mabilis kong ibinaba ang hawak kong dice ng makita ko ang itsura ni Samuel.

His nose is bleeding again. Mabilis ko syang binuhat papunta sa kusina.

"Ma, I'm okay, sanay na ako"

Mabilis na sumikip ang dibdib ko dahil sa sinabi nya. Mabilis kong pinunasan ang ulo nya at ti-nilt ng kaunti ang ulo nya.

"Nahihilo ka ba? Ano? Sabihin mo kay mama"

"Pagod lang po ako mama, magpapahinga lang ako, sure ako na bubuti din ang pakiramdam ko kapag natulog ako"

I bit my lip to control my emotion.

"Siguro dapat i stop na natin yung pagpunta mo ng school, just stay here at home-

"Ma, I really want to go to school, I only go there every Friday. I only go once a week, unlike everybody" napahinto sya. "Kaya nga siguro they hate me because they feel like I am acting special"

"Don't say that Samuel, everybody likes you-

"Not everybody" parang dinukot ang puso ko sa kasunod nyang sinabi. "Even my own father don't like me, kaya wala sya dito diba?"

"Samuel, no!" I told him as I held his face. "It's just, it's just it is complicated, okay? I will explain everything when you are older"

"It's okay mama"

"I don't really want to go pero we need this commission, this recommendation para sa paglipat natin sa UK, once we are there, we will be able to do everything to make you better. Gagaling ka, you will be normal"

Mabilis na yumakap sakin si Samuel.

"I love you mama"

"Mahal na mahal din kita, lahat gagawin para sayo ni mama, lagi mong tatandaan yan"

Samuel, my son is suffering from a rare-genetic immunodeficiency disease called Wiskott-Aldrich Syndrome. Itong syndrome na ito ang nag pi prevent na mag function ng maayos ang immune system nya, because of this he is at constant risk for any infections, even pneumonia na delikado for him.

Nahihirapan din ang bone-marrow nya na mag produce ng right amound ng platelets kaya sobrang prone ni Samuel sa pagdurugo ng ilong at gums. Kaya hindi rin namin sya pinapapasok regularly sa school, all his life home school sya at ngayong taon lang talaga, sa pagpupumilit ni Samuel ay pinayagan ko syang pumasok every Friday sa school. Hindi kasi sya pwedeng nakikihalubilo sa maraming tao dahil mabilis syang mahahawa sa kung sino mang may sakit.

That's why we are moving to UK, yun din ang advise ng doctor nya when we found out that hindi ako ka match ni Samuel for the bone marrow transplant, sabi nila may possible na other methods na pwedeng magawa abroad rather here sa bansa. Let's admit it, mas maganda at maayos ang health system nila, mas upgraded at updated. My son, has a higher rate of survival there. May mga nakausap na din akong doctor doon at hinihintay na lang ang paglipat namin.

Mayroon personal nurse si Samuel, ang anak nila Manang Tessie, si Annie, may mga kinailangan lang ayusin iyon kaya naman pabalik na rin sya ngayong gabi.

I know, people will judge me, kung bakit hindi ko na lang sabihin kay David ang lahat. I wish it was that easy. If natatakot ako dahil sa posibilidad na kunin ni David ang anak namin sa akin, mas natatakot ako sa posibilidad na i reject nya ulit si Samuel. What if he won't believe me again this time?

Sabi sa akin ni Annie, hindi na madalas ang pagdurugo ng ilong ni Samuel, hindi rin naman sya nagsusuka or dumudumi ng iba. She said he is doing alright, kaya naman sapat pa ang oras para makalipat kami ng ibang bansa.

Later that night ay tahimik konh sinusuklay ang buhok ni Samuel gamit ang kamay ko. Payapa ko lamang syang tinititigan.

He is a good kid. Napakabait, matalino at maintindihin, hindi ko alam bakit of all people ay sya pa ang nakakuha ng ganitong sakit.

It was worst nung mga panahong hindi ko pa alam na may sakit sya. Palagi syang sumusuka, nanghihina, at kung anu anong rashes ang lumalabas sa katawan nya.

When I first head na meron syang WAS, I blamed myself because I felt like I wasn't a good mom, I wasn't able to protect my son. I prayed over and over to God na sana sa akin na lang yung sakit nya, na ako na lang ang mahirapan instead of him.

I realized, I can either just pray and cry the whole time or do something to help him while waiting for miracle.

Samuel opened his eyes and looked at me.

"Mama, magiging okay din po ako"

Napahinga ako ng malalim. I am preventing myself from crying.

"I know, I know because you are such a strong boy and you will overcome this, we will both overcome this"

"Yes mama, wag ka na po mag alala sa akin okay?"

"I'll do my best" mabilis akong lumapit para yumakap sa kanya.

----
To be continued

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon