Page 3

5K 133 6
                                    

Morgan Grace

"Love, are you okay?" tanong ni David kaya naman napabalik ako sa realidad.

I nodded at pinagpatuloy ang pagkain ng hapunan.

Hindi ko alam pero gusto kong isuka ang kinakain ko dahil na siguro sa kaba at matinding pag iisip.

"You don't look well, ang putla mo, ano bang sabi sayo ng doctor mo? Is everything alright? hmm?" tumigil na sya sa pagkain at seryoso ng nakatingin sakin.

"Y-yeah, yeah, okay naman daw lahat" nagbaba ako ng tingin at nag pretend na hinahati ang pork sa harapan ko. "Napagod lang siguro ako sa gala namin ni Mariya, alam mo naman yung babaeng yun, napaka energetic"

I don't know how long I can keep lying to him. I don't know how long I can keep pretending lalong lalo na sa harapan ni David.

"Gusto mo na ba magpahinga? Ako na magliligpit"

I looked at my husband, he sincerely cares for me, alam ko iyon, alam ko kung gaano nya ako kamahal at hindi ko alam kung kakayanin ba nya na malaman na mamamatay na ako.

I don't want to put David through that pain anymore lalo na't sa cancer namatay ang mommy nya. He lost his mom sa laban nito sa breast cancer. His mom died 2 years bago kami ikinasal and I saw how much it affected him, muntik na kaming maghiwalay noon. He was lost nung namatay ang mommy nya and he will often say na he found his way back dahil sakin.

"Sige na, kung tapos ka na dyan, umakyat ka na, okay? Take a bath and as soon as I'm done here, I'll give you a good foot massage para naman ma relax ka"

"Ikaw itong galing sa trabaho-

"Pero hindi ibig sabihin nun na mas pagod ako sayo, nakaupo lang naman ako maghapon sa opisina ko."

"Thank you, love"

"Lahat para sayo" he offered his hand para tulungan akong tumayo.

Sa pagtayo ko ay mabilis ko syang yinakap. I was hoping na sa yakap ko na iyon ay maramdaman at malaman nya na ang lahat.

"You're extra clingy today huh?" he said before kissing the side of my head. "Dapat yata lagi akong nali late ng uwi para may ganito ako eh"

"Loko-loko ka, sige na aakyat na ko" Sabi ko dito.


Papasok na sana ako ng banyo ng mag ring ang phone ko at makitang tumatawag si Mariya.

"Hello" I answered the call.

"Have you told him?"

"I-I don't know how- hindi ko alam pano ko-

"Wag na, don't"

"What do you mean?"

"Diba sabi mo, you only saw him so broken once, at yun yung namatay ang mommy nya, would you let him go through the same thing with you?"

"Pero Mariya-"

"Would you be that cruel to your own husband?"


Umaagos na ang tubig mula sa shower diretso sa mukha ko pero tila mas nalulunod pa rin ako sa huling pag uusap namin ni Mariya.

Nung una nagdadalawang isip ako, at mas leaning towards ako na sabihin kay David but right now na iniisip ko ang mga sinabi ni Mariya.

Napapikit ako at napahilamos. I am losing my mind, ramdam ko ang bigat ng katawan ko.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon