Morgan Grace Mendoza
"Mama tingnan mo, I can float, tinuruan ako ni papa" masayang sabi sakin ni Samuel, lumalangoy ito ngayon sa pool.
"Nasaan ang papa mo?" tanong ko kay Sam. Kasama ni Sam ay nagsi swimming din si Annie.
"He said he's cooking us lunch" sagot ni Samuel kaya tumayo na ako sa pagkakaupo.
"Annie, ikaw muna bahala kay Sam" sabi ko dito na tinanguan naman nya. Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kusina, nakita ko si David na nagbubukas ng mga aparador na tila may hinahanap.
"David" pagtawag ko dito, he immediately stopped what he's doing, mabilis itong ngumiti sa akin.
"Hi love, good morning, gising ka na pala" lumapit ito at hinalikan ako sa ulo.
"Nagising ako kasi narinig ko si Samuel sa may pool" sabi ko.
"How's your head? Masakit pa din ba ulo mo?" tanong nito, sumakit kasi ang ulo ko kagabi dahil na rin siguro sa pagbubuntis ko.
"I'm good, hindi ka pa din ba papasok, magda-dalawang linggo ka ng hindi bumabalik sa kumpanya, baka magalit na ang daddy mo" sabi ko dito. Tiningnan ko sya ng may pag-aalala, he just held both of my hands bago dinali iyon sa labi nya para halikan.
"You don't need to worry, okay lang kay dad, I guess he wants me to spend time with you and Sam" sagot nito kaya huminga na lang ako ng malalim at ngumiti.
"Okay, if you say so, ano bang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Well, I figured that wala na pala tayong stocks, I wanted to cook for you and Sam" sabi nito.
"Let's just ask si manong to grab a few stocks for us, pumasok ba sila today? Hindi ko nakikita ang mga iyon lately" sabi ko sa kanya, hindi ko alam if dahil tinatanghali ako ng gising kung kaya't hindi ko napapansin.
Saglit na natigilan si David before he smiled.
"They are all on vacation"
"Even yung driver mo?" he nodded. "Okay, tayo na lang ang mag grocery then"
"Okay, let's go" sabi nito bago ako inakbayan.
****
"Mahilig si Samuel sa sopas, ewan ko ba, doon ko ata sya pinaglihi" sabi ko kay David. Huminto ako sa paglalakad dahil tahimik ito, tulala ito sa grocery na laman ng cart na tinutulak nya, tila malalim ang iniisip. "Huy!" untag ko dito.
"Sorry love, what?"
"Sabi ko si Sam, he wants sopas, are you okay? May bumabother ba sayo?" tanong ko rito ng may pag-aalala.
"I am okay" lumapit ito para halikan ako sa ulo. "Wag ka ng mag isip and pick whatever you and Samuel like"
I just gave him a small smile bago tumango. Hindi ko alam pero nagsimula rin akong mabagabag.
We grab a lot of grocery, sa tantya ko ay nasa twenty thousand na ito o baka higit pa.
"Cash or card po sir?" tanong ng kahera kay David matapos nitong i punch ang lahat ng pinamili namin na lumampas nga sa amount na sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...