Page 13

4.1K 144 19
                                    

Morgan Grace

"Sam, mama will call you right back, okay?" I immediately ended the call and fix the way I stand.

"OMG girl, nakatingin sa atin si David! Shet ang gwapo!" Patricia is hyperventilating beside me but I remained composed.

"Geez dream on, sa amin nakatingin yan" Valentine told us, isa sa mga kaibigan ni Monique.

"Girl, awrahan mo pa, nakatingin sayo si David" pagchi cheer naman ni Denise kay Monique.

I just shook my head at nagbalik ng tingin, I am surprised na nakatingin pa rin ng diretso sa akin si David but this time hindi na ako nag break ng tingin sa kanya.

I just thought, bakit ako mahihiya o matatakot sa kanya? I lied to him to protect him pero sya anong ginawa nya? He abandoned me, not just me, kami ng anak nya and he chose another woman ng ganoon kabilis. So bakit ako maiilang sa kanya? Kung may dapat mahiya sa aming dalawa, well sya iyon.

We just broke our staring contest nung tinawag na sya ng host.

"Tara na guys, masyadong crowded dito, let's pick a different place" I told my team.

"Sayang naman si pogi, makiki shake hands lang ako" sabi ni Patricia.

"Pat, let's go na, nahihilo na din ako sa sikip dito plus I need to call back Sam, baka magtampo sakin iyon"

"Sige na nga, next time na lang daddy! Rawr!" sabi nito.

"We are staying here no!" Monique told us.

"Suit yourself" nauna na akong tumalikod at humakbang palayo. Dito man lang manalo ako, atleast nauna akong nag walk out sa kanya.


Around almost 4 PM na kami nakarating sa lugar namin kaya naman sakto lang sa pagsundo ko kay Samuel.

I am surprising him dahil ang alam nun ay bukas pa ang dating ko.

He usually stay and wait sa playground sa pagsundo ko or ni Manang Tessie.

Palapit na ako ng makita ko ang nakatalikod kong anak, may tatlo itong classmate na nakapalibot sa kanya.

I came closer pero dahil sa mga pundasyon ay hindi nila ako napapansin.

"Putok sa buho! Walang tatay!"

My heart ache right away para sa anak ko the moment I heard it.

Bakit ganito ang mga bata ngayon? Bakit ganito sila magsalita sa kapwa nila bata?!

"So?" my son answered calmly.

"Anong so? Wala kang tatay, putok ka sa buho, di mo ba gets yun?" sabi nung isang bata.

"I understand you, wala akong tatay, so anong mangyayari?"

"Tanga ata to eh, hindi ata nagi gets. Iniwan ka ng tatay mo, iniwan kayo ng nanay mo, siguro ang panget ng nanay-

Natigil yung isa at kahit ako ay nabigla ng hawakan ni Samuel sa kwelyo yung kallase nya.

"Itawag mo na lahat sakin, pero wag na wag mong idadamay ang mama ko sa mga kalokohan nyo" mas hinigpitan ni Samuel ang pagkakahawak sa kwelyo ng nanginginig nya ng classmate. "Next time I hear this from you, I'll punch your face so hard even your own mom won't recognize you"

Marahas na binitiwan ng anak ko yung kaklase nya at inambahan ng suntok ang dalawa pa na mabilis na umatras dahil sa takot.

"See" sinuot na nito ang bag nya at muling humarap sa tatlo. "That's what happens when you have a dad, you're a weakling. Why would I need someone who will make me weak?"

"Isusumbong ka namin kay teacher!" mabilis na nagtakbuhan yung mga classmates nya.

"Samuel!" I called him, he gave me a surprise look.

"Mama, akala ko po bukas pa kayo darating"

"Samuel, I saw that"

"Hindi ko naman sila pinapatulan lagi"

I bent my one knee to level to him.

"Ayaw ko lang idamay ka nila. Pwede naman nila akong asarin gaya ng palagi nilang ginagawa, ayos lang naman yun mama"

"Palagi ka ba nilang ginaganito?" I asked him.

"Araw-araw, it is as if it's a curse na lumaki ng walang tatay"

"Sam, I'm sorry anak, I wish I can tell you"

"Naiintindihan ko naman mama, kasi kung madaling intindihin, diba sana sinabi mo na sakin?"

I held my son's face as I stop myself from crying.

"What did I do to deserve someone like you? You are such a good and a very smart child, sobrang blessed ni mama sayo"

"Ako din po mama, sobrang blessed ako na ikaw ang mama ko"

"Let's go inside, kakausapin ko yung teacher mo, hindi naman pwede na laging ganito"

He nodded kaya naman mabilis ko itong niyakap.

"Tatandaan mo lang palagi Samuel na mahal na mahal ka ni mama, ikaw wng mundo at buhay ko. Lahat gagawin ko para sayo"

"Mahal din kita mama"

In a world where there was a time I felt so betrayed and left alone, when I wanted to really die, God gave me, Samuel.

Sam who became my strength and new purpose in life.

David don't deserve to know about you, alam kong darating ang panahon na malalaman nya at malalaman mo pero hindi ko pa kaya sa ngayon.

I know your dad will do everything and I know he will win kapag ginusto ka nyang kuhanin sakin pero hindi ako doon takot, natatakot ako na baka sa pangalawang pagkakataon, i reject at itanggi ka na naman nya at mas masakit sakin kapag sa kanya mo pa mismo narinig iyon.

So I will do my best to protect our son, my son from you David.

----
To be continued.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon