Page 36

4.4K 182 37
                                    

Morgan Grace Mendoza

Isinandal ko ang ulo ko sa gilid ng station ko para mapigil ang kakaisip.

Did I regret it? I regret it a lot pero hindi ko kasalanang lokohin ako ng sarili kong kaibigan and force me to do that dahil ang buong akala ko lang naman ay inililigtas ko sya sa isang bagay na makakasakit sa kanya ng lubusan.

I was about to tell him that nung gabing may sakit pa sya pero tila nagising sya sa mga sinasabi nya at idinugtong nya ang mga salitang paulit-ulit kong iniisip ngayon.

"Paulit-ulit ko yung hinihiling, hanggang sa paulit ulit ding pinamukha sa akin na hindi ka na babalik" he added bago umayos ng pagkakahiga.

"David, m-may dahilan ako" I told him.

"You must admit, Morgan" tiningnan nya ako.  "Na ginusto mo ding matapos tayo. Looking at you now, still entertaining and flirting with guys, I assume na tama lang ang lahat, tamang natapos tayo. Hindi mo na ako maloloko ulit, kahit na ano pang sabihin mo"

Mabilis akong tumalikod para hindi nya makita ang pagbagsak ng luha ko.

"Morgan" napaangat ako ng tingin ng marinig kong may tumawag sa akin.  "Hi! Dumaan na ako dito kasi busy ka daw sabi ni Patricia" dagdag ni Greg.

Huminga ako ng malalim bago ngumiti. Hindi naman din tamang hindi ko na lang kausapin at wag pansinin si Greg, marami rin syang naitulong at nagawang mabuti para sa akin.

"Sorry, we are just busy dahil Friday ngayon, we need to wrap up some things" I told him. "Ikaw, anong ginagawa mo dito? Akala ko umuwi ka na sa province?"

"No, as you know, the company is closing down and I am trying my luck here in Manila" sabi nito sakin.

"Hindi ka din ba na absorb dito sa JS Group?"

"Hindi eh, wala daw silang bakanteng position for me, ang sungit nga nung HR sakin, joke lang" he laughed. "Pero baka kasi hindi ako para dito, alam mo na para namimiss pa din kita"

"Ikaw talaga" sabi ko dito.

"I'll be staying here in Manila for a while, may relatives naman ako dito"

"Oh that's good, I am sure makakahanap ka agad ng work"

"Uy Sir Greg" lumapit si Patricia na ngiting ngiti.

"Greg na lang, hindi mo na ako superior no! Tsaka bestfriend ka nitong pinakamamahal ko" sabi ni Greg, nag init ang mukha ko sa pagiging straight forward nya. "Sorry, magiging totoo na ako from now on, hindi naman na tayo magkawork kaya mas mapu pursue na kita, Morgan"

"Eeeeh" kinurot kurot ni Patricia ang tagiliran ko. "Bagay talaga kayo sir, nako ipu push kita lalo na't single itong kaibigan ko"

Mahina ko itong siniko at pinandilatan.

"Available ka ba lumabas now? Kain sana tayo" tanong ni Greg.

"Sorry Greg, may tinatapos pa kasi talaga ako-

"Ako na, ako ng bahala! Sige na, go on! It's 3pm na din naman. Mag date na kayo" tulak sakin ni Patricia.

Hindi na ako nakapalag pa dahil hinawakan na ako ni Greg sa likod at ginuide palabas ng floor namin.

-----

"Ang ganda naman dito" papuri ko kay Greg. Dinala nya ako sa isang italian restaurant na napakaganda ng interior.

"Of course, bihira ka lang pumayag sa aking makipag date, dapat dalhin na kita sa maganda" sagot nito sa akin.

Umupo na kami. Hindi naman ako mahilig talaga sa Italian food, mas gusto ko ang lutong pinoy or spanish pero who am I to complain? Nililibre na lang naman ako ngayon.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon