Morgan Grace
"Mariya! Buti napadalaw ka!" magiliw kong bati sa bestfriend ko as I open up the door for her.
"I was in the neighborhood, may mineet lang na kakilala kaya naisipan ko ng daanan ka" she told me.
"Mabuti naman, kumain ka na ba? Kakaluto ko lang" I told her as we walked to our sala.
"Hindi pa, tamang-tama pala ang dating ko. Si David pala, umalis na ba sya?"
"Hindi pa, pero mali late na yun, baka hindi na sumabay sa atin kumain" I told her. "Upo ka na, kain na tayo"
"Aalis si David ng hindi nagbi breakfast?"
"Depende kasi sa mood nya pero nag pack naman na ako ng babaunin nya"
"Ah okay" naupo na ito sa gilid ko, kasalukuyan kasi akong nakaupo sa kabisera.
"Ano nga palang plano mo? Umaandar ang oras at panahon Morgan"
Naibaba ko ang kubyertos ko at napatingin sa kanya.
"Alam mo bang naisip ko na lang umamin kay David"
"What?! Bakit mo gagawin yun? Alam mo naman diba how much it will affect him?"
"Kaya nga sabi ko naisip ko lang pero may nangyari nung nakaraan that made me realize na tama ka, hindi ako dapat maging selfish lalong lalo na kay David, hindi nya deserve na mag go through ulit sa ganoon"
"That's right, I always knew na tama ka mag isip" Mariya told me. "So ano ng plano mo?"
"I am just settling some things pero" hinawakan ko sya sa kamay kaya napatingin sa akin ang bestfriend ko. "Promise me that I can rely on you?"
Ipinatong nya ang isang kamay nya sa kamay ko and smiled at me.
"Just tell me what to do, ako ng bahala, I will be there for you"
"Maraming-maraming salamat Mariya, ngayon pa lang, alam kong tama ang magiging desisyon ko"
"Bakit ang serious nyo namang dalawa dyan?" narinig ko ang pagsasalita ni David habang pababa sya ng hagdan.
Napalunok ako, mabilis kaming nagbitaw ni Mariya.
"Parang hindi ka pa sanay David, alam mo na chismisan, girls drama" sabi ni Mariya at mahinhin na tumawa.
"Tama" I smiled at my husband bago binalik ang tingin sa kinakain ko.
Naramdaman ko ang pagdaan ni David sa likod ko. Mabilis ko syang nilingon ng maramdaman ko ang paghalik nya sa balikat ko dahil naka off shoulder ako.
"Sorry, I'll skip breakfast today, mali late na ko"
Our face is just an inch apart pero dahil sanay na ako sa asawa ko ay ngumiti at tumango lang ako.
"Nilagay ko na sa sasakyan mo yung baon mo"
"Thank you, wife"
"Oo nga pala David, nagsabi na ako kay Dad ha na mag o off ka starting tomorrow para doon sa out of town natin"
"Aalis kayo?" Mariya asked.
"Ah oo, magba bakasyon kami saglit" sagot ko.
"Yes, need mag distress nitong kaibigan mo kaya magmi mini honeymoon muna kami" sabi ni David as he fixes his tie.
"Siraulo, wag kang maniwala dyan" sabi ko. Mariya just smiled.
"Alis na ko love" David kissed me at the side of my head. "Love you, see you later"
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...