Page 44

4.7K 312 177
                                    

Morgan Grace Mendoza

David guided me to sit down sa sala ng bahay nya. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako at nanghihina ang tuhod ko.

"Stay there, I'll get you some water" tumayo ito at iniwan ako, the house is quiet at tanging ang ulan lang sa labas ang naririnig ko.

Kabang-kaba ako dahil tahimik kami parehas sa sasakyan, nagpapasalamat ako na sya na ang magneho ng sasakyan kaya naging okupado ito at hindi pa kami nakakapag usap.

Hindi ko maintindihan bakit biglang naging ganoon si Greg. Hindi ko maisip na kahit kailan ay sasaktan nya ako ng pisikal. I always thought of him as a good friend pero pinaasa ko ba sya? Was that enough reason for him to hit me? I don't think any woman or even man deserve to be physically abused by anyone.

"May anak na yan!"

Napapikit ako ng maalala ko ang pagsigaw ni Greg kanina. Anong sasabihin ko kay David, paano ko sisimulan? I know that he defended me in front of everyone kanina pero magagawa nya bang intindihin ang mga bagay na pinili ko na lang itago sa kanya?

"Here" napaangat ako ng tingin ng lumapit na ito. He was holding a glass of water at sa isang kamay ay first aid kid. Mabilis kong ininom ang tubig at inilagay sa side table ang baso.

Umupo ito sa tabi ko kaya naman nahigit ko ang paghinga ko. Seryoso ang mukha nito at halos magdikit ang kilay nito.

"A-ako na" sabi ko dito as I try to get the kit from him pero iniwas nya lang iyon at tila hindi ako narinig.

Kumuha ito ng cotton swab at ng wound ointment kaya wala na akong nagawa kung hindi ang humarap sa kanya. Napa atras ako ng dumampi ito sa sugat sa gilid ng bibig ko, nag igting ang panga ni David at kita ko ang galit sa mata nito.

"Ako na kasi, kaya ko naman" I told him.

"You were being physically assaulted by your boyfriend, mukha ngang kaya mo ang sarili mo" he told me, nagpatuloy ito sa paglilinis ng sugat ko.

"Hindi ko boyfriend si Greg"

"Wow that made it even worst, hindi mo pa boyfriend pero nagpapasapak ka na, I was your husband for years at ni pitik, hindi mo nakuha sa akin"

Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya, dahil totoo ang sinasabi nya. He was a good husband to me at sa mga panahon na ganito, lagi kong naiisip kung bakit napakagulo ng mga nangyari sa amin.

My heart was racing as I gather my strength to tell him everything, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon nya pero nandito na ito.

"Won't you ask me about what Greg said earlier?" tanong ko dito.

"I don't give a damn about anything he said, I realized that he would say anything and I apologize for believing him last time"

"David, yung sinabi niya-

"Morgan!" napatayo ako ng marinig ko ang pagsigaw ni Mariya, mabilis itong lumapit sakin at umalingawngaw ang sampal nito sa akin sa loob ng bahay. "Malandi ka talagang babae ka!" she was about to attack me again pero mabilis na humarang si David at hinawakan sya. "Let me go, David! Let me go!" she's shouting hysterically.

Sincerely Yours, Your Ex-WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon