Morgan Grace Mendoza
"Aww baby, thank you" sabi ni Patricia bago mabilis na hinagkan sa labi si Jonathan bago tinanggap ang hawak nitong bulaklak.
"Miss Morgan" binati ako ni Jonathan kaya naman tumango ako dito at sinamaan ng tingin si Patricia. "Mabuti at sumama kayo"
"Your girlfriend literally dragged me here, wala na akong nagawa kung hindi tanggapin na third wheel nyo ako buong gabi" sagot ko rito.
"Huy! Hindi mo sure baka last night mo na as third wheel, diba nandito din yung guy na naka match mo sa dating app?" tanong ni Pat.
"Dating app?" nabigla si Jonathan.
"Oo, itong girlfriend mo ginawan ako ng account at may in accept pang match sa akin" inirapan ko si Patricia.
Hindi pa nagsisimula ang award's night, at nasa welcome drinks pa ang lahat, lahat halos ng bigatin sa business world ay nandito at nakikipag network. Ito na lang ang pampalubag ko ng loob sa pagsama ko, may mga magiging bago akong connections at possible new clients.
"Wow, dalaga ka na Miss Morgan, susuportahan ka namin dyan sa pakikipag date mo" pang aasar sa akin ni Jonathan.
Nag sigh na lang ako at ininom ang hawak kong champagne. Sobrang push na push ang dalawang ito na makipag date ako, na parang ganoon lang kadali iyon.
"Uy diba yung ka chat mo, sabi nya nandito daw sya? If invited sya ibig sabihin nyan Morgan, mayaman din yan!" mahinang tili ni Patricia.
"Anong mayaman? Baka serial killer kamo! Hindi mo ba nabasa yung username? Penetrate? Either serial killer yan or naghahanap ng babaeng makaka one night stand nya" sabi ko bago humalukipkip.
"Ang judger mo friend" sabi nito sakin pero inirapan ko lang sya.
Pinili ko na lang na libutin ng tingin ang mga tao sa paligid to see if may familiar ba na pwede kong lapitan dahil naglalambingan ang dalawang kasama ko.
A guy caught my eye dahil direkta itong nakatitig sa akin, ngumiti pa ito ng magtama ang paningin namin, he looks like a foreigner, nonetheless ay umiwas na lang ako ng tingin at inubos ang hawak kong alak sa baso.
Muling bumalik ang tingin ko kay Patricia at Jonathan, they looked so happy together and it accidentally opened up an emotion inside me that I have been hiding for quite sometime.
I missed him, lalo na sa panahon na ganito. I missed David so much dahil sa bawat hakbang ko towards my dreams, alam kong wala na sya to cheer for me and tell me how proud he is sakin.
I want him to be beside me on these events, I want us to go home to each other despite of our long and busy day, we would still eat together with our kids, he would say how unfair it is that Dana looks like me and that we should have more kids para mas marami syang kamukha, at the end of the day, we will cuddle, I will hug and kiss him goodnight.
Pero wala, wala na sya. I lost him and to be honest, I am scared to date anyone dahil sa tingin ko, hindi ako makakahanap ng katulad ng pagmamahal na binigay sakin ni David and I won't be able to love them as much as I loved him.
"Morgan, hey are you okay?" napaangat ako ng tingin kay Patricia. "You're crying?"
"What?" kusang dumapo ang kamay ko sa gilid ng mata ko, at naramdaman ko ang luha doon. "I'm going to ruin my make up, mauna na kayong pumasok, mag restroom lang ako" paalam ko sa kanila, nakita ko kasing nagpapasukan na ang mga tao sa loob, mukhang magsisimula na ang awarding.
BINABASA MO ANG
Sincerely Yours, Your Ex-Wife
Romance(COMPLETED) Morgan Grace is sure as hell that she found the love of her life, pakiramdam nya pinagpala sya ni kupido dahil ang long time crush nya palang nung highschool ay sya ring napangasawa nya. David Pierce Jameson is her first love, first boyf...